Mga Naunsiyaming Pangarap ng mga Duwag

Ang lahat ng tao ay maaring mangarap, bakit nga ba hindi? Sabi nga nila, ito na lamang ang libreng bagay dito sa mundo. Ito ang pinakamasarap na paraan ng pagtakas mula sa nakasusukang realidad. Sa ating mga pangarap, walang bagay na imposible kahit na ikaw pa ang maging presidente nitong bansa. Sa ating mga pag-asam natutupad ang ating mga piping hinaing. Pipi sapagkat hindi maibulalas. Pansamantala tayong nakaliligtas sa hirap ng buhay, sa mga pasakit at sa nakasusulasok na amoy ng mabahong sistema.

Dahan-dahan nang nilalamon ng kabulukan ang kalakaran dito sa ating lipunang ginagalawan. Napakahirap nang malaman kung ano ang ipinagkaiba ng tama sa mali o marahil mas tamang sabihing kung sino ang tama at sino ang mali. Napakahirap ang malagay sa pang-ibabang bahagi ng daigdig. Pang-ibaba sapagkat sa aminin man natin o hindi, ang mundong ito ay sapilitang hinati sa dalawang parte: ang mataas na antas kung saan namumugad ang mga taong nakahiga sa salapi at kapangyarihan at ang mababang antas kung saan naman nasasadlak ang mga pobreng mamamayan.

Sa tuwina’y naroroon ang diskriminasyon, ang kawalang patas at ang pagkiling. Hindi maitatangging ang salapi at ang kapangyarihan ang siyang mga pangunahing dahilan ng pagkilos ng halos lahat ng mga bagay dito sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit ang mga maliliit na tao ay nananatiling takot – pakubli-kubli.

Hindi maampat ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng tao – pagkain, petrolyo at kuryente – samantalang ang sweldo ng mga manggagawa’y nananatili pa ring kakarampot. Totoo, marami ang nais umalma at lumaban ngunit totoo ring mas marami ang takot at pinaghaharian ng pangamba. Naroon pa rin ang pag-aalinlangan. Alinlangan sapagkat iniisip nilang wala rin namang mangyayari. Sa ganitong isipi’y mas pinili na lang ng marami ang magsawalang-kibo. Alam ko, may iilan-ilang nagpoprotesta’t sumisigaw sa kalye bitbit ang kanilang mga daing at hinagpis ngunit lalo lamang silang tinatapakan ng mga nasa itaas. Lalo lamang silang pinagkakaitan. Tila ba ang namamaos na protesta at sigaw ng mga tao sa kalsada ay lalo pang nagpapaligaya sa kanila, lalo pa silang nagiging ganid sa kayamanan. Anupa’t nakikinita kong darating ang panahon na ang mga pobreng tao’y mapipilitang kumain ng basura’t patay na hayop maibsan lamang ang sumisidhing gutom.

Hindi lamang sa mga ganitong pangyayari nakikita ang mukha ng kabuktutan. Nangingibabaw rin ang mukhang ito kahit na sa isang mas pinaliit na lipunan – sa unibersidad. May mga estudyanteng nagsusunog ng kilay upang makakuha ng mataas na marka. Anila’y susi raw ito para makarating sa kanilang mga pangarap. Ngunit, may mga pangyayari talagang kung minsa’y hindi umaayon sa ating mga kagustuhan. Muntik ka nang bumagsak sa isang asignatura, isang bagay na malayo sa iyong hinagap. Alam mong ginawa mo ang lahat, isinubsob mo ang iyong ulo sa libro sa buong semestre. Ngunit narito, nagdudumilat ang katotohanang mababa ang nakuha mong grado. Nais mong umalma ngunit tinalo ka ng takot. Ano ang gagawin mo? Mag-aalsa sa kalye at papalahaw dala ang iyong katwiran? Para lamang lalo kang tapakan at pagkaitan? Isa siyang propesor at isa ka lamang estudyante. Nakita mo ang napakalaking pagkakaiba. Para kang langaw na babangga sa pader. Nanaig ang alinlangan, ang pangamba at ang katotohanan. Sa pagkakataong iyon, pinili mong manahimik. Pinili mong maging duwag.

Napakaraming takot. Gustong umunlad ngunit walang magawa. Napakarami rin ang dayupay sa impluwensya’t kayamanan. Walang ibang naisin kundi ang manatili sa itaas. Sobra na. Papatayin tayo ng sarili nating karuwagan. Sa ‘yo na nagbabasa nito, maawa ka sa amin higit lalo na sa iyong sarili. Huwag mong pamayanihin ang takot. Huwag mong hayaang kainin ka ng karuwagan. Lumaban ka sapagkat hindi na kakayanin pa ng bansang ito ang isa pang duwag na kagaya mo.

Advertisements

4 Comments (+add yours?)

  1. kaze
    Sep 15, 2009 @ 14:44:30

    ate kelan po to nailathala sa psn???

    Like

    Reply

  2. Ryan Nuguid
    Oct 11, 2014 @ 23:18:50

    “Nice tale!”

    Like

    Reply

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture