Pa’no mo masasabing ang isang tao ay maligaya?

Kung siya ba ay nakangiti nang malaki? Kung ang halakhak ba niya ay malutong? Kung siya ba ay masiglang pumapasok sa trabaho o eskwela araw-araw?

Masaya. Maligaya. Magkahalintulad pero nasa magkaibang lebel.

Pwede tayong mapasaya ng mga mumunting bagay sa ating buhay araw-araw. Maaaring ito ay dahil sa bumentang joke ng isang kaibigan, araw ng sweldo, text mula sa gf/bf, oras ng uwian, paborito mong ulam, nakausap mo ang crush mo o dahil sa non-working holiday ang araw na ‘yon. Ngunit pa’no mo masasabing ikaw’y maligaya? Posible ba talagang maabot ng isang tao ang estadong ‘yon?

Lagi nang hinahanap ng tao sa kanyang buhay ang kaligayahan na para bang lagi itong nawawala.

Ambisyoso kasi ang mga pamantayang ginawa ng tao para masukat ang kanyang kaligayahan: perpektong pamilya, perpektong anyo, perpektong pag-ibig, perpektong trabaho, kayamanan, buhay na walang problema at maraming kaibigan. Naging nosyon na tuloy natin na magkapatid ang kaligayahan at perpeksyon.

Magiging mailap na ba ang kaligayahan kung galing ka sa isang wasak o mawawasak pa lang na pamilya? Kung ‘di ka man kagandahan ngunit may mabuti ka namang loob at maraming talento? Kung wala ka mang maraming pera ngunit ikaw nama’y malusog at payapang namumuhay? Kung iilan nga lang ang mga kaibigan mo ngunit lahat nama’y totoo? Kung mababa man ang posisyon mo sa trabaho ngunit damang-dama mo naman ang iyong kahalagahan? Kung single ka nga ngunit ramdam na ramdam mo naman ang puspos na pag-ibig ng Diyos?

Madalas nating itanong sa ating mga sarili kung tayo ba’y maligaya. Ngunit kahit minsan ba, natanong na natin ang ating mga nanay, tatay, kapatid o kaibigan? Kung minsan kasi’y masyado na lang tayong nakasentro sa paghahanap ng kaligayahan para sa ating mga sarili na nakalilimutan na nating ikunsidera ang mga taong mahahalaga sa atin. Hindi natin napagtatantong maaaring ang kaligayahan nila ang tatapos sa ating walang kapagurang paghahanap.

Pa’no mo nga ba masasabing maligaya ang isang tao? Maligaya nga ba ako? Ikaw, maligaya ka nga ba?

Image

Photo grabbed from Google

Advertisements

2 Comments (+add yours?)

  1. potsquared
    Mar 11, 2013 @ 05:29:21

    mahirap sagutin yan ah.. ang hirap kasi dahil minsan ang kaligayahan ay panandalian lamang dahil nga babalik tay osa realidad ng buhay na kung saan ang kaligayahan ay parang isang “break time” lang para tayo ay hindi makain ng buhay sa mundo ng nabubuhay…

    Like

    Reply

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture