Tatsulok na Papel

Kumbaga, para s’yang yosi. Parang beer. Parang drugs. Bisyo ba. At dahil nga bisyo, napakahirap tigilan. Kahit anong effort mo, hahanap-hanapin pa rin s’ya ng katawan mo. At sa kaso ko, hinahanap-hanap s’ya ng mga kamay ko. Partikular na ng mga daliri.

‘Di naman ito lingid sa lahat. Lalo na sa mga malalapit sa ‘kin. Pangkaraniwan nang makita nila akong may hawak na kapirasong papel na binilot na patatsulok para tumulis. Mas matalim, mas masakit, mas okay. Ang matulis na dulo ng papel ay itinutusok ko sa kaliwa’t kanan kong hintuturo at hinlalaki. Paulit-ulit. Hindi ko titigilan hangga’t hindi ko nakikitang butas na ang mga nabanggit kong daliri sa kamay. At ang pinakasukdulan, hanggang sa makita kong ang dulo ng papel ay may bahid ng dugo.

Weird? Alam ko. Hindi naman ikaw ang unang magsasabi sa ‘kin n’yan kunsakali. Kapag nga kailangan ng fingerprint sa isang importanteng dokumento, ‘yan ang numero uno naming isyu no’ng umaasisteng officer. Kasi, ‘pagka iniwan ko na ‘yong fingerprint ko sa kailangang dokumento eh, laging butas ‘yong gitna. Eh kadalasan, hinlalaki at hintuturong daliri pa man din ang pinakakailangan. Tapos tatanungin ako ng officer kung, ”Ganyan ba talagang daliri mo?”

Dito nga sa trabaho, sa halip na right thumb o index finger ang gamitin kong pang-time in/out gaya ng pangkaraniwan ay right little finger ang gamit ko. Pauso ba.

Bakit ko ito ginagawa? Eh, basta. Basta ‘pag may naramdaman akong sobra-sobra. Sobrang saya o lungkot, sobrang inis o frustration, o kung ano mang sobrang emosyon. Pinipilit kong higitan o kaya’y pantayan ng sakit na dulot ng papel ‘yong sobrang emosyon na ‘yon. Napapanatag ako pagkatapos. Parang hindi ko kasi kayang i-handle nang mahusay ang mga sobrang damdamin. Ewan.

Hindi naman talaga ito big deal sa ‘kin. Napansin ko lang ngayong umagang pasakay ako ng bus na nagkakabutas na naman ang mga daliri ko sa kamay.

Advertisements

6 Comments (+add yours?)

  1. lunatica
    Mar 15, 2013 @ 07:43:11

    ang mas masakit sa sitwasyon mong ‘yan eh maski sa mga kasama mo eh itinutusok mo ‘yang tatsulok mong papel. hahaha

    Like

    Reply

  2. potsquared
    Mar 25, 2013 @ 01:40:53

    ang sakit! hinay hinay lang at baka maimpeksyon ha…

    Like

    Reply

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture