The night I met Jessica Sanchez (Dream come true, baby blue!)

Late post:

Last year ko pa alam na may solo concert sa ‘Pinas si BB Chez on VDay of 2013. As in, first concert without the backing of American Idol. Hindi naman ako nagbalak kahit noon pa man na manuod dahil alam na alam kong mahal ang ticket. At ‘di nga ako nagkamali dahil ang VIP pass ay nagkakahalaga lang naman ng P10,560 (kulang pa ang isang payday ko) at ang GA naman ay P795 (na para ka na lang nanuod sa TV ang labas). So ayon, nakuntento na lang ako sa pagbasa-basa ng updates tungkol sa kanya at sa VDay concert n’ya.

At nito ngang Feb. 10 ng umaga lumapag ng ‘Pinas si Jessica. So, kiber pa rin ako. ‘Di rin ako nagbalak na pumunta ng NAIA para mag-abang dahil ang layo at may trabaho pa ako kinabukasan. At ang OA na no’n! Kaya sabi ko sa sarili ko, wala na namang pag-asa na makita ko siya sa second visit niya sa ‘Pinas. Baka next time na lang ulit. Pero, sayang talaga! Alam mo ‘yong sa sobrang gusto mong makuha ‘yong gusto mo, hahanapin mo lahat ng posibleng paraan para mangyari ‘yon? Gano’n!

Screen grab from my FB account

Screen grab from my FB account

Second day ni Jessica sa ‘Pinas. Feb. 11. ‘Di ko naman akalaing matutupad ng ganoon kabilis ang hiling ko na pumunta siya ng ABS-CBN. PM shift ako sa trabaho. Mga past 10PM na no’n kaya medyo haggard na ako sa pag-quota. May nag-text. Editor ko pala na off that day at nanunuod ng “Bandila” sa bahay. Sabi sa text (not her exact words)“Ateng guest si Jessica sa Bandila!” Sumikdo ang puso ko pero agad kong inagapan kasi ayoko ring ma-disappoint“Eh baka taped outside ateng!” Text back ko naman. Maya-maya nag-text ulit. “Ateng, live daw!” Ang puso ko talagang nalaglag na sa tamang pwesto.

Hinila ko agad ang isang officemate ko at lakad-takbo ang ginawa namin papuntang ABS-CBN main building. Pagdating namin malapit sa dressing room niya, wow, ang daming tao! At ang lalaki ng katawan ng mga security staff from Ovation Productions. At huwag ka, may sariling PR team ang lola Jessica mo! Hintay-hintay rin kami sa hallway. At NKKLK! Literal na nangangatog ang tuhod ko. ‘Di ko alam kung dahil ba sa lamig ng aircon o sa nerbyos o excitement o kung ano pa man. Sabi no’ng isang beki na naghihintay rin kay Jessica, okay na raw kahit masulyapan lang niya si BB Chez. Mukha raw kasing imposibleng makalapit dahil ang daming bantay. Hintay-hintay, hintay-hintay.

And there she was! Coming out of her dressing room in her glittery, mini black dress and maybe four-inch high heels. Nakakulot mayaman at simpleng makeup. Katamtaman lang ang height (minus the heels), kayumanggi at talagang slim. ‘Di ko alam kung paano mag-re-react sa mga unang segundo ng moment na ‘yon. Pilit pang pinoproseso ng utak ko na nakikita ko siya live! As in, abot-kamay. Muntanga talaga kami sa pagsunod sa kanya hanggang sa labas ng studio ng “Bandila”. Nag-aalangan pa kami na humiling ng photo op.

No’ng pinayagan kami ng security guards na pumasok sa studio at magpakuha ng picture kapag commercial break eh, talagang wala na kaming sinayang na sandali. Kaso dahil sa sobrang dami talaga ng fans ay mahirap makatiyempo. At kahit nanggagalaiti na sa galit ang floor director ng show dahil last three minutes na lang at on air na ulit sila eh, pinilit ko pa ring makapagpakuha ng litrato. At nagawa ko pa talagang sabihin sa kanya na, “You’re so lovely!” Then she held my hands and replied, “Ah… you, too!”

Ang mga sumunod na nangyari ay ‘di na malinaw sa akin. Basta ang alam ko, ang lakas ng tibok ng puso ko habang papabalik kami ng office. Sabi nu’ng kasama kong officemate, muntanga raw ako dahil talun ako nang talon at namimilipit sa saya. Hahaha!

Grabe. Purung-purong kaligayahan ang naramdaman ko no’n. Sulit na sulit kahit na alas dos na ng madaling-araw ko natapos ang trabaho ko na naantala dahil sa fangirling moment ko. Grabe. Natutupad talaga ang mga sinserong hiling. Nagkakatotoo talaga ang mga pangarap.

Jessica and Ize

Photo c/o my officemate Mica Ella Balindan

P.S.

Jessica will be back in PH in June to promote her debut album “Me, You & the Music” and I’m hoping to get more pictures of us together. *fingers crossed*

Advertisements

14 Comments (+add yours?)

  1. potsquared
    Apr 03, 2013 @ 11:15:42

    wow! ganyang-ganyan ang feeling ko kapag nakakapag papicture ako sa mga idolo kong artista nung nagtatrabaho pa ako jan.. para lang akong kinikiliti sa.. tagiliran.. eheheheh pero congratulations!! ikaw na ang stalker.. este fan.. hihihi…

    Like

    Reply

    • tagalogdito
      Apr 03, 2013 @ 12:17:57

      Hahaha ang sarap sa feeling db? Hal, di ko kelangan magpunta sa concert nya para makita sya personally. Yung mga nanuod nga ng concert nya eh, walang pic sa kanya. Yan lang ata ang pinaka maganda sa trabho natn dto! Haha, nag-aabang pa nga ako ng ibang intl stars na pupunta dito para mkapagpa-photo op hehe 🙂

      Like

      Reply

      • potsquared
        Apr 03, 2013 @ 12:23:34

        winner! galingan mo sa pagpicture ha.. remembrance yan.. saya niyan…

        Like

      • tagalogdito
        Apr 03, 2013 @ 12:31:38

        Itotodo ko talaga effort sa photo op with intl stars! Hahaha. Mga local stars wala ako masyadong pics. Ikaw, sinu-sino ba ini-stalk mo dati dito? 😉

        Like

      • potsquared
        Apr 03, 2013 @ 12:33:34

        naku! madami-dami rin!! pero pinakafavorite ko nung nanjan pa si cindy korleto.. hindi lang sya maganda, super bait pa!! ayan naalala ko na naman sya.. *kilig*

        Like

      • tagalogdito
        Apr 03, 2013 @ 12:38:25

        Hihi, nakalimutan mo pong i-mention na sexy siya! 🙂 sino pa ang may unforgettable encounter ka? Haha 🙂

        Like

      • potsquared
        Apr 03, 2013 @ 12:42:01

        crush ko talaga si cindy korleto dati pa.. kaya nga nung nakapag papicture kami, as in heaven ang peg ko.. ehehehe..

        sino pa ba yung mga naencounter ko, mostly nung uso pa ang viva hot babes at yung baywalk bodies.. makakasalubong na lang namin bigla kaya photo op agad..

        mostly din mga reporters ang kapicturan namin, kasi lagi kaming nasa field.. pinaka favorite ko si sol aragones.. bait kasi nun.. sobra…

        Like

      • tagalogdito
        Apr 03, 2013 @ 12:46:24

        Hmmm ang seseksi naman! :))) nabasa ko nga po sa post mo na super bait ni Ms. Sol. Kaso wala na sya dito ngayon kasi kumakandidatong Laguna Rep.

        Like

      • potsquared
        Apr 03, 2013 @ 12:48:32

        oo nga eh.. eh yun naman ata ang gusto niya, ang maglingkod… matanong ko lang, saang department ka ba?

        Like

      • tagalogdito
        Apr 03, 2013 @ 12:51:40

        MAMD po, support group ng NCAD 🙂 napanuod ko nga po sa mga intvws nya na gusto nya raw ibaba sa distrito nla sa Laguna ang paglilingkod bayan. Ang tapang nya para magdesisyon na iwan ang propesyn nya para sa pulitika.

        Like

      • potsquared
        Apr 03, 2013 @ 12:55:57

        RDU ako dati.. ewan ko kung buhay pa sila jan.. ehehehehe… galingan mo ha.. tiis lang.. di ko alam kung mababa pa rin ang pasahod jan, pero masaya at fulfilling naman ang stay ko jan…

        sana nga makapaglingkod si sol ng maayos, mahirap kasi talaga ang politika, kailangan malakas ang loob mo..

        ewan ko kung kilala mo jan sina mnemo dalawis or si janet jimenez, pero baka sa ibang department sila.. ehehehehe

        Like

      • tagalogdito
        Apr 03, 2013 @ 13:00:48

        Sorry po, ano pong ibig sabhn ng RDU? Hay, isyu pa rin po dito ang pasahod. Pero ok na rin kesa naman wala. Salamat po ha! 🙂 ikaw man, galingan mo dyan sa Japan! :)))

        Sana nga, pero kundi man palarin si Sol sa pulitika eh, dalawang kamay p rin naman sguro syang tatanggapin ng abs

        Naku naku wala po akong kilala sa mga nbnggt mung pangalan. Malamang nga po eh, nasa iba silang dept. 🙂

        Like

      • potsquared
        Apr 03, 2013 @ 13:06:06

        ahahahaha! RDU – Rapid Deployment Unit.. yung mga microvan ang inooperate namin dati… baka nga nagbago na sila ng pangalan.. hayaan mo na lang.. ehehehehe

        oo nga.. sana palarin siya.. mabait naman ang dos sa mga old talents nila..

        mababa pa rin ba? tsk, yan ang isa sa dahilan kung bakit umalis ako.. 5 years akong nag stay jan pero feel ko parang hindi nila binigyan importansya ang kagwapuhan.. este ang skill ko.. ayoko ng paka bitter.. i am better now.. hihihi…

        ibang department nga sila.. hayaan mo na lang.. sigurado ako na may kakilala ka na isa sa mga kakilala ko.. hihihi…

        Like

      • tagalogdito
        Apr 03, 2013 @ 22:45:27

        Ahhhhh now I know! :)))

        Like

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture