Dito nga ba ang dapat kong kalagyan?

image

Tanda ko pa na “I want to be a doctor” ang sinabi ko sa stage no’ng kinder graduation ko. Siguro dahil uso gusto ko talagang makatulong sa mga maysakit. Nurse naman ang type ko nu’ng high school grad. Siguro dahil uso rin gusto kong makapag-abroad. BS Nursing nga ang ipinasa kong course sa BSU kaso nagbago ang isip ko bago ang enrolment. Natauhan ako marahil dahil sa ang mahal pala ng tuition at malamang pag-graduate ko ay wala na akong mahanap na trabaho dahil ang daming gustong maging nurse no’ng mga moment na ‘yon. Kaya ang ending, bumagsak ako sa second choice ko na BA Mass Communication.

First sem, first year. Ang gulo ng utak ko. Binalak kong mag-shift ng BS Computer Engineering kaso nahiya naman ako sa parents ko kasi pabagu-bago ako ng isip. Madalas na nga kaming magtalo ng tatay ko dahil sa kursong kinabagsakan ko. Gusto niya kasi akong mag-Midwifery para raw mayroon akong plake na nakasabit sa pinto ng bahay namin na parang sa CPA o abogado praktikal at wala pa raw akong amo. May point naman, ‘di ko lang talaga feel.

Kaya itinuluy-tuloy ko na lang mag-Masscom. Nag-enjoy ako at ‘di inakalang ma-i-in love ng todo sa pagsulat. Ginusto kong makapag-publish ng maraming-maraming maiikling kwento o ‘di kaya ay makapagsulat para sa TV. Nagawa ko ‘yong una sa isang magasin kaso ang kuripot sa TF. May gutom ang pamilya ko kunsakali.

Nairaos ko ang kolehiyo ng walang naging aberya. Nakatisod agad ng buti sa walang trabaho na tugma sa tinapos kong kurso. Kumikita rin naman kahit papaano.

Okay naman na sana kaso kung minsan, nakatutuksong isipin kung ano at nasaan kaya ako ngayon kung naiba ang mga naging sirkumstansya at desisyon ko sa buhay. Halimbawa, naging doktor nga kaya ako o kaya ay nurse kung may pera kaming pambayad ng tuition? Kung midwife na ba ako ngayon kung sinunod ko ang tatay ko o kung computer engineer na kaya ako kung itinuloy ko ang paglipat ng kurso noon? Kung nakakailang kwento na kaya ako ngayon kung itinuloy ko lang ang pagsusulat sa magasin? O, naging beterinaryo kaya?

Sa ngayon, wala pa ulit akong partikular na gustong maging. Gusto ko lang yumaman mag-enjoy muna sa kung nasaan ako ngayon.

Hindi naman siguro ibig sabihin na naiisip ko ang mga bagay na ito ay nagsisisi na ako sa mga naging desisyon at sirkumstansya ko sa buhay. Pagtakpan na lang natin ang mga sandaling gaya nito ng palusot na “curious lang”.

Advertisements

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture