An Open Letter to Ms. Janine Tugonon

This is the female version of the blog entry: http://blog.ajperez.org/?p=217 on Ms. Universe 2012 1st runner-up Janine Mari Tugonon and her boyfriend of one year Jaypee Santos’ recent breakup. Credits to Mr. AJ Perez (not the deceased actor): https://www.facebook.com/ajperez81

Dear ‘teh Janine Tugonon,

Una sa lahat, gusto kong malaman mo na fan mo ako. Mega cheer ako sa ‘yo kahit na no’ng pre-pageant pa lang ng Miss U. Inabangan ko talaga live streaming no’n kasi ‘di naman in-air dito sa Pilipinas ‘yon. At alam mo, mas malakas cheer ko sa ‘yo no’ng mismong pageant na. Lalo na no’ng Q&A portion. Galing mo kaya no’n! Kaya kahit ‘di mo nasungkit ang minimithing korona, sobrang proud pa rin ako sa ‘yo.

Tanda ko pa nga na right after Miss U airing sa ABS-CBN, may live interview ang ex-dyowa mo ngayong si Kuya Jaypee Santos. At aaminin ko, gaya ng karamihan eh, talagang na-surprise ako. As in, napa-“weh?” ako. Haggard kasi si Kuya Jaypee no’n, parang magdamag na ‘di nakatulog kaka-pray na sana ay manalo ka. At habang ini-interview s’ya, tagos hanggang puso na naramdaman ko kung gaano s’ya ka-proud at kasaya para sa ‘yo. Alam mo ‘teh Janine, mas lalo kitang naging idol no’n! Kasi biruin mo, ang isang prinsesa ng kagandahang gaya mo ay umibig sa isang kumbaga ay “commoner” na gaya ni Kuya Jaypee. ‘Di ba ang sweet? ‘Di ba nakaka-inspire?

Mas lalo pa akong kinikilig sa tuwing ipinagtatanggol mo si Kuya Jaypee laban sa mga inggiterong frogs at froglets na ‘di matanggap na taken ka na at ‘yong iba naman eh, mga okray lang talaga. Nabasa ko pa nga na sinabi mo no’n sa isang interview mo sa ANC na ‘di mo naman kailangan ng isang “Brad Pitt” sa buhay mo kasi kung papipiliin ka between “mukha” at pagiging faithful ng isang tao, do’n ka na sa faithful. Dahil ang sabi mo pa, gusto mong buo ang magiging family mo hanggang sa pagtanda mo. (Read article here: http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/12/24/12/janine-tugonon-i-dont-need-brad-pittWow! Sabi ko, “Go ‘teh! Fight for your true love!”

Pero biglang nagbago ang lahat no’ng pumutok ang balita. Nakipag-break ka raw ‘teh kay Kuya Jaypee! At ito ay dahil daw sa The Script lead vocalist na si Danny O’Donoghue! Tanong ko agad, “Anyare!?”  At ‘yon nga, “May I explain?” ka sa “Kris TV”. *Watch video here: http://www.youtube.com/watch?v=f93AQlZkU2I Sabi mo, may nangyari lang na ‘di mo inaasahan. Na-meet mo kasi si Danny sa concert ng banda niya dito sa ‘Pinas at nag-follow-an kayo sa Twitter. Simula no’n, sabi mo regular na kayong nagpapalitan ng Twitter at text messages. At dahil do’n, nag-away kayo ni ex. Nakipag-break ka.

‘Di naman kita masisisi. Pogi naman kasi talaga si Danny. Sikat. Ang ganda ng boses! At sabi mo nga, sobrang fan ka niya. Ako rin naman siguro eh, magkakaroon ng ganyang reaksyon kung magpapakita ng interes sa akin si David Archuleta. (Haha!) Kaso lang ‘teh, anyare do’n sa sinabi mo kay Kuya Jaypee na magiging faithful ka sa kanya kahit na anong gawin mo at kahit na sinong makilala mo sa buhay mo? Nasabi mo, si Kuya Jaypee na ang gusto mong makasama for the rest of your life? (Read article here: http://www.pep.ph/news/36881/janine-tugonon-tells-boyfriend-jaypee-santos-irsquom-gonna-be-faithful-to-you-kahit-sino-pang-ma-meet-ko-kahit-ano-pang-gawin-ko-sa-buhay-ko)

Sige, okay na ‘yon. Malay ko naman talaga sa relasyon niyong dalawa, ‘di ba? ‘Di ko naman kayo kilala personally. Pero ‘yong mga sinabi mo at reaksyon mo habang ini-interview ka ni Tita Kris sa show niya… ‘teh, ramdam na ramdam ko ang kilig mo kay Danny. Ang saklap lang kasi nando’n lang sa tabi mo si Kuya Jaypee. Pwede ka namang mag-“no comment”  na lang sana. Kaso hindi. Alam mo ‘yon, ‘teh? Nawasak ang pagkalalaki ni Kuya Jaypee on national TV. Buti nga ‘di pumait ‘yong niluluto n’yong tinola. Ang nakakaloka pa, ‘di ka naman tinatanong ni Tita Kris o ni Sweet Lapus kung break na kayo. Ikaw itong biglang bumanat ng, “Honestly po kasi break talaga kami ngayon.” Solid ‘teh. In-announce mo talaga sa madlang people ang status n’yo habang nando’n din si Kuya Jaypee? Anyare!?

Okay lang naman na makipag-break ‘teh. ‘Wag lang sana gano’n. Sabi nga ng kanta, “Break it to me gently… if you have to, then tell me lies. Break it to me gently… at least, leave me with my pride. Try to spare my feelings… if the feelings have to die. Break it to me gently… if you have to say goodbye.” ‘Yon lang naman.

Tapos sasabihin mo ‘teh sa Twitter, “Let’s not make assumptions please.”  Eh, sino po ba ang unang nag-assume sa atensyong ibinibigay ni Danny sa ‘yo? Haaaaay. Sige, ‘teh. Sabi mo, you need timeOkayFan mo pa rin naman ako. Ang sakit lang talaga no’ng ginawa mo kay Kuya Jaypee. ‘Di makatarungan! *Insert “Breakeven” here*  T.T

Advertisements

4 Comments (+add yours?)

  1. Trackback: A Letter To Janine Tugonon [Female Version + Break-up Video on KrisTV] | EnteRvrexWorld
  2. Trackback: Magpaka-Janine tayo. | Thoughts from the TZ

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture