Jeepney/Bus/FX rants

Two years na ‘kong empleyada (Dapat ko bang ipagmalaki ‘yun?). Uwian five days a week. Tricycle (optional)-jeep-jeep-buuuuus-tricycle (optional). P91 one-way trip from Bulacan to Quezon City. Ayun. Sa tagal-tagal ng pagbabyahe ko, pwede na ‘kong mag-publish ng book sa dami ng rants ko. Pero sino naman bibili ng book ’bout rants? Kaya minabuti kong i-blog na lamang ito.

‘Eto na! Ang listahan ng 10 pinakakaraniwang problemang (in random order) makakasagupa ng isang pasahero sa mga pampublikong jeep, bus at FX (LIKE mo ‘re kung naka-relate ka!):

(1) OA makabukaka ang katabi mo. Tipong isud ka na nang isod para ipa-feel sa kanyang wamport na lang ng pwet mo ‘yung nakasabit sa upuan pero ‘wa epek pa rin sa kanya. Sige pa rin sa pagbukaka na ‘di mo masabi kung nagpapasingaw ba o ano. Gustung-gusto mo na tuloy itanong kung, “Dalawa ba ibinayad mo ‘teh? Kuya?” ‘Kainis ‘di ba?

(2) Ayaw mag-abot ng bayad o sukli ‘yung nasa unahan mo. Patay malisya, tulug-tulugan, o kaya’y nakikinig ng music base sa earphones/head set na nakasaksak sa tenga. Kulang na lang kalabitin mo pa siya para lang iabot ‘yung bayad o ‘yung sukli dahil nangawit na ‘yung kili-kili mo. Kung ayaw maabala sa pag-aabot ng bayad o sukli, magdala ng sariling sasakyan. Kung wala, maglakad.

(3) Boses ipis si ate. Parang bumubulong sa hangin ‘pag ka sasabihin kung saan bababa. O kaya, ni hindi ‘ata bumubuka ‘yung bibig ‘pag pumapara. Siya pa galit ‘pag nalampas ng hinto si manong driver. Kamot ulo na lang.

(4) Waluhan lang talaga pero siyaman daw. “Oh, tatlo pa! Tatlo pa kulang, oh!” Hello! Dalawa na lang bakante eh, tatlo pa tinatawag ng barker? Huwaw! Ang ending, wamport na lang din ng pwet ng malas na pasahero ang masasabit sa upuan na mala-magic na magiging wanhap ‘pag biglang nagpreno ang jeep.

(5) Mga katabing amoy pinaglumaan na ng panahon. Sobrang nakakainis lang na effort ka kung maligo, kuntodo hilod, toothbrush, deo, pahid ng lotion at spray ka ng pabango tapos ang makakatabi mo sa jeep, bus o FX eh, amoy sibuyas. Ang sakit sa ulo! Worried ka pa kasi baka mahawahan ka niya ng amoy niya.

(6) Sobrang siksikang bus. Kulang na lang pati bubong eh, lagyan ng pasahero. Halos magkapalit na kayo ng mukha ng nasa harap mo. Tapos sisingit pa sa gitna ‘yung konduktor para maningil. Dios mio, Marimar!

(7) Mapagpanggap na aircon bus/FX. Pang-airconditioned bus/FX ‘yung siningil sa ‘yo pero tagaktak pa rin naman ang pawis mo. Mainam pa ‘yung ordinary bus kasi open air. Malagkit ka nga lang pagbaba mo.

(8) Walang barya ang konduktor. Tipong P50 na nga lang ang ibinayad mo, hihiritan ka pa ng, “Baka may barya ka?” ‘Di pa ba barya ‘yan kuya!? Sorry nomon.

(9) Lahat ng kanto, bus/jeep stop. Pwede kayang gawing traffic rule na ‘pag ‘di ka pinapara, ‘wag mong hintuan? Ang kulit lang, eh! Type yata nila manong na gawing terminal bawat kanto. Madalas tuloy mag-init ang ulo ng mga pasaherong inugat na sa byahe.

(10) Traffic. Dapat ko pa ba i-explain?

May nakalimutan pa ba ako? Comment below at mag-rant-an pa tayo. Hehe!

Advertisements

4 Comments (+add yours?)

  1. potsquared
    Jun 18, 2013 @ 21:38:06

    karamihan jan ay naranasan ko na rin nung sumasakay pa ako ng pampublikong sasakyan… sama mo na rin jan yung minsang malakas na patugtog ng jeepney driver at patid na yung litid mo kakapara eh hindi a pa rin narinig kaya gagawin mong pintuan yung kisame ng sasakyan niya, kakatukin mo…

    Like

    Reply

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture