(Feeling Expert) Indie Movie Review: Cinemalaya 2013’s “Nuwebe”, “Liars” and “Transit”

Hoy, first time kong mag-Cinemalaya! At dahil d’yan, magmamaganda ako at i-re-review ko ang dalawang New Breed full length features na napanuod ko with friends: “Nuwebe” ni Joseph Israel Laban at “Transit” ni Hannah Espia. Pati na rin ang Directors Showcase entry na “Liars” ni Direk Gil Portes. Heto na at wala na kayong magagawa pa:

Spoiler alert!

Nuwebe

Promotional poster of “Nuwebe”, a Cinemalaya 2013 New Breed full length feature by Joseph Israel Laban. *

Nuwebe. Bukod sa maselan nitong istorya, wala ng iba pang umangat na detalye sa kabuuan nito. Ang kwentong hango sa tunay na karanasan ng sekswal na pang-aabuso ay umikot sa batang si Krista (Barbara Miguel) na sa napakamurang edad na siyam ay nabuntis ng kanyang pastor na amang si Moises (Jake Cuenca).

Inilahad ni Krista ang kanyang kwento sa linear form. Kasasalaminan ang pelikula ng mga talamak na problema ng kahirapan at kamangmangan sa Pilipinas. Set ito sa isang probinsya. Nagsisiksikan ang ama, ina at dalawang anak na babae sa isang munting kubo malayo sa kabayanan. Walang kuryente. Walang matinong trabaho si Moises habang labandera lamang si Dolores (Nadine Samonte). Ipinakita rin dito ang mahigpit pa ring pagkapit ng mga Pilipino sa mga kababalaghan ng mga lamang-lupa gaya ng nuno sa punso at ang higit na pananampalataya sa kakayahan ng isang albularyo sa pagpapagaling ng mga sakit kaysa doktor. O marahil, ito ay dahil sa wala na nga lang talagang choice ang mga tao sa lugar na ‘yon kundi ang maniwala sa mga albularyo dahil sa kakulangan na rin sa pera.

Kapuso child star Barbara Miguel plays nine-year-old Krista in “Nuwebe”. *

May boring factor ang takbo ng istorya. Salamat na lang talaga sa mga hubad/hubong eksena ni Jake at nagkaroon ng konting excitement ang pelikula. Tradisyunal din ang camera shots. Hindi convincing ang acting ng mga pangunahing karakter lalo na ng mag-ina. Masyadong masalimuot ang kinasasadlakan nilang sitwasyon bilang parehong mga biktima ng sekswal na pang-aabuso ni Moises ngunit wala akong nadamang kurot sa iyak o galit ng dalawa. Masyado ring mestisa si Nadine para sa role ni Dolores. Medyo okay ang acting ni Jake ngunit walang ipinagkaiba sa mga dati na niyang acting sa TV.

Nadine Samonte portrays Krista's mother while Jake Cuenca plays the nine-year-old child's father.

Nadine Samonte portrays Krista’s mother while Jake Cuenca plays the nine-year-old child’s father. *

WTF eksena: Master moment ni Jake sa loob ng kubo. ‘Yung totoo, nakakapag-Master pa talaga si Moises, ano? Takte maisingit lang talaga ‘yung endorsement ni Jake!? X deal ba? Asar talaga ‘yung part na ‘yun. Inaantay ko na nga lang na lumabas din ‘yung character ni Nadine na naka-GiBi shoes para maglaba sa batis, eh. Mabuti at sa credits na lang ipinalabas ‘yung logo ng nabanggit na brand ng sapatos kundi walk out na talaga ako sa Tanghalang Nicanor Abelardo.

Paboritong (mga) karakter: Ang na-stress na byuti ng DSWD officer na humahawak ng kaso ni Krista na ginampanan ni Manny Castaneda. Plus ang pasaway na teenager na roommate ni Krista sa DSWD shelter at may kaparehong kaso ng pang-aabuso ng ama pero bukal sa loob nitong tinanggap.

FTW linya: “Bakit po ba kailangang magpatawad? Para tapos na? Kung pagpapatawad ang basehan ng lahat ng ito, hindi ito matatapos.” – Krista

Rating: Pwede na. (Translation: 2.5/5 stars)

Liars. Ang pelikula ay hango rin sa isang tunay na pangyayari noong 1922 Little League World Series kung saan

Promotional poster of Cinemalaya 2013 Directors Showcase entry by Direk Gil Portes "Liars".

Promotional poster of “Liars”, a Cinemalaya 2013 Directors Showcase entry by Direk Gil Portes. *

isang baseball team mula Zamboanga City ang nanalo at nag-uwi ng karangalan sa bansa. Ngunit kalauna’y nabawian ng korona at nasadlak sa kahihiyan dahil sa isang pandarayang ibinunyag ng isang baguhang newspaper reporter na ginampanan ni Alessandra de Rossi (Eloisa). Dito sa indie film na ito, ang eskandalo ay naganap noong 2001 sa kasagsagan ng impeachment trial laban kay dating Pang. Erap Estrada habang ang bidang team naman ay mula sa Smokey Mountain.

Bilang kami ang first screening ng Directors Showcase entry na ito, nagbigay muna ng maikling pananalita si Direk Gil at ipinakilala ang kanyang production team at cast members. Nabanggit din niyang ilan sina Sen. Koko Pimentel at Sen. Grace Poe sa mga tumulong para maisakatuparan ang “Liars”. Lamang, tila ginamitan na ni direk ng mind conditioning ang mga manunuod sa pagsasabing bibilib kami sa acting ng mga batang gumanap sa pelikula. Hindi natumbasan ng mga bata

The blogger (in stripes) with friends and Jan Harley Hicana (third from left), who plays Ato Macapagal, and John

The blogger (in stripes) with friends and “Liars” stars Jan Harley Hicana (third from left) aka Ato Macapagal and John Michael Buenapos (third from right) aka Dante Quirino. (c) Jamila Millar

ang statement ni direk. Hilaw pa ang acting. Disturbing din para sa akin ang tono ni Ato Macapagal (Jan Harley Hicana) sa pag-de-deliver niya ng kanyang mga linya. Pataas ang bawat dulo na nagpamukhang tila binabasa niya lang ang kanyang script. Pero magaling ang character build-up sa kanya bilang isang batang may taglay na kabobohan (hahaha). Lamang sa kanya ng dalawang matinding paligo si John Michael Buenapos na gumanap bilang si Dante Quirino. Ang isa sa tatlong batang baseball players na pinalitan ng kanilang coach (Arnold Reyes), sa impluwensiya ng kanilang manager (Chris Villanueva), ng overaged players na hindi pa taga-Smokey Mountain. Si Dante rin ang nagbunyag kay Eloisa ng nasabing pandaraya.

Maganda ang istoryang inilahad sa pamamagitan ng present-flashback-present-flashback style. Nakasentro ito sa

Buenapos (left) and Hicana (right) wearing their respective baseball uniforms during the gala screening of "Liars" at CCP. (c) Jamila Millar

Buenapos (left) and Hicana (right) wear their respective baseball uniforms during the gala screening of “Liars” at CCP. (c) Jamila Millar

mga isyung tungkol sa paninindigan, pagkakaibigan, pamilya at mga pangarap. Aliw ang bromance/’di maipagkailang chemistry sa pagitan nina Dante at Ato. Patunay ang makailang “Yieeeh!” ng mga manunuod sa loob ng Tanghalang Nicanor Abelardo. Lamang, nakakalito kung minsan ang pagpapalit-palit ng kasalukuyan at nakalipas na mga eksena. Makakatulong sana kung nilagyan ng pagkakaiba ng kulay ang present at flashback events. Naloka rin ako sa halatang hair extension ni Alessandra pero aprub naman ang acting.

Sa kabuuan, nakakamanghang isipin kung paanong ang isang solong pangyayari at mga matatapang na desisyon ng nakalipas ay umabot ng mahigit isang dekada ang epekto sa maraming buhay.

WTF eksena: Ang crying-in-the-rain drama ni Dante. Ang korni no’n, pramis! Gasgas na kasi. Last n’yo na ‘yong eksenang ‘yon sa Cinemalaya ha?

Paboritong karakter: Buntis na asawa ni coach na ginampanan ni former PBB star Princess Manzon. Bakit? Malalaman mo sa ibaba (hahaha).

(Mga) FTW linya: “Panay bola na lang ‘yang tinitira mo. Minsan, dumaan ka naman sa bahay ako naman tirahin mo.” – Buntis na asawa to coach

“Yankiss. Y-A-N-K-I-S-S. Amuwah!” – Ato Macapagal

“Naka-stepped on na ako.” – adult Ato (Ping Medina) “Moved on, bobo!” – adult Dante (?)

Rating: Pwede. (Translation: 3/5 stars)

Transit. So, this is it pansit! Talagang save the last for the best (of the day)! Kumpledos rekados kumbaga.

Promotional poster of Cinemalaya 2013 New Breed full length feature by Hannah Espia "Transit".

Promotional poster of “Transit”, a Cinemalaya 2013 New Breed full length feature by Hannah Espia. *

Acting, tsek! Non-linear storytelling, tsek! Istorya, tsek! Ping Medina, tsek na tsek! Deh, ang gusto ko talagang i-highlight na acting dito ay kay Jasmine Curtis-Smith na gumanap na half-Pinay, half-Israeli troubled teenager na si Yael. Bagay sa kanya ang role since half-foreigner naman talaga siya. Nalagpasan din niya ang level ng acting na inasahan ko sa kanya. Pero mas gusto kong bigyang diin ang natatanging pagganap ng child star na si Marc Justine Alvarez (gumanap din bilang anak ni Sen. Bong Revilla sa GMA7 epic drama Indio) bilang purong batang Pinoy ngunit ipinanganak sa Israel na si Joshua. Napakanatural ng pagganap nito sa kanyang role pati na rin ang pag-deliver niya ng kanyang mga linya sa Hebrew na para bang may lahi talaga siyang Israeli kaya at home ang dila niya sa lenggwaheng ito.

Karapat-dapat bigyang ekstra kredito ang pag-deliver ng Pinoy cast sa karamihan

Kapuso child star Marc Justine Alvarez plays Joshua in "Transit".

Kapuso child star Marc Justine Alvarez plays four-year-old Filipino-born Israeli Joshua in “Transit”. *

ng kanilang mga linya sa Hebrew. Kapani-paniwala kahit sa gaya kong hindi marunong magsalita ng Hebrew. Umikot ang pelikula sa magkapatid na OFW na sina Janet (Irma Adlawan) at Moises (Ping) na patagu-tago sa Israel sa takot na ma-i-pa-deport ang kanilang mga anak.

Hango rin ito sa tunay na kalagayan ng mga Pinoy sa nasabing bansa. May umiiral kasing batas doon mula pa noong 2009 kung saan ang mga anak ng foreign workers na wala pang limang taon at hindi naipasa ang iba pang residency requirements ng Israeli government ay sapilitang ipinapa-deport. At dahil apat na taon pa lang si Joshua ay malaki ang posibilidad na mapauwi ito sa Pilipinas.

Nakakabilib din ang acting ng Israeli actors na gumanap bilang employer ni Moises at boyfriend ni Yael. Naipakita rin sa pelikulang ito ang mayamang kultura at magagandang tanawin ng Israel maging kung paano magmahal ang mga Pinoy sa kanilang mga pamilya at anak na kahit delikado ay gagawin ang lahat mapabuti lamang sila. Ibinalot ang kabuuan

Kapatid star Jasmine Curtis-Smith plays Yael in "Transit".

Kapatid star Jasmine Curtis-Smith plays half-Pinay, half-Israeli teenager Yael in “Transit”. *

ng pelikula sa creative cam shots at given na superb acting nina Ping, Irma at Mercedes Cabral. At gusto ko lang ding isingit ang maikli ngunit memorable na eksena ni Toni Gonzaga bilang estranged wife ni Moises at nanay ni Joshua. Siyanga pala, dyowa ni Toni ang producer ng “Transit”.

WTF eksena: Wala.

Paboritong karakter: Joshua

FTW linya: “Paano ko ba ilalagay ang buong Israel sa isang bag?” – Joshua in Hebrew

Rating: Pwedeng-pwede. (Translation: 4/5 stars)

All in all, nag-enjoy ako sa first Cinemalaya experience ko. ‘Yun lang, ‘di ko alam kung dahil ba sa mga pelikulang pinanuod namin o dahil sa bonding namin ng friends kong kung ilang buwan ko nang ‘di nakita. Babalik pa ba ako next year? Tseeeek!

*Photos were from Google Images

Advertisements

4 Comments (+add yours?)

  1. vincent
    Aug 01, 2013 @ 09:37:18

    hay napanood mo na ba yung amor y muerte
    yung ibang eksena ang pangit ng pagkakagawa nagmukhang katawatawa

    Like

    Reply

    • tagalogdito
      Aug 01, 2013 @ 10:46:03

      Naku, hindi! Ang hirap na kasing bumili ng tickets base na rin sa kaibigan ko. Tapos ang haba ng pila sa CCP box office. Bakit? Mukhang erotic yung Amor y Muerte base na rin sa teaser. 🙂

      Like

      Reply

      • vincent
        Aug 02, 2013 @ 15:07:14

        Sa Trinoma madaling manood minsan kasabay mo pa yung mga cast
        napanood ko yung transit sa trinoma nandun yung director pati si mercedes cabral at jasmine curtis

        Transit ang pinakamagandang pelikula ngayon sa cinemalaya.
        maganda rin yung babagwa at sana dati

        Like

      • tagalogdito
        Aug 02, 2013 @ 23:23:48

        Agree ako sa ‘yo sa Transit! 🙂 gusto ko nga rin panuorin yun Babagwa at Ekstra. Mamya susubukan namin sa Trinoma ‘pag maaga natapos ang trabaho. Kung di naman kayanin, hintayin ko na lang sa mainstream yung kay Ate Vi. Feeling mo, ire-release din yun ala Babae sa Septic Tank? 🙂

        Like

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture