Isang Araw

Isang Araw

Photo grabbed from Google

Makulimlim ang langit kaya naman laking pasasalamat ko na agad akong nasakay sa bus bago pa man bumuhos ang malakas na ulan. Ayos na rin kahit na tayuan at daig pa namin ang sardinas sa loob.

Mag-iika anim ng hapon. Natapos na naman ang isang buong araw na nakipagtitigan lamang ako sa aking computer. Ang araw na iyon ay kagaya rin kahapon at nu’ng nakaraang araw at nu’ng nakaraan pa. O, buhay empleyado nga naman.

Lumapit ang konduktor upang hingin ang aking bayad. Nag-abot ako ng kwarenta. Namumukhaan ko ang mamang ito. Madalas ay sa bus nila ako nasasakay. Matangkad siyang payat. Palaging nakakupasing maong na tastas ang tuhod at laylayan. Ngunit kahit ganoo’y masinop siyang tingnan dahil ang uniporme niyang pang-itaas ay kakaunti lang ang lukot at may linyang matulis ang manggas. Mukhang mahusay mamalantsa ang kanyang misis, kung mayroon man.

May mga anak na kaya ang konduktor na ito? Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ko ang abala niyang paniningil at pagsusukli sa mga nagsisiksikang pasahero. Ilan kaya? Dalawa? Tatlo? Apat? Nag-aaral na kaya? Kung mayroon man ay ano kaya ang pangarap niya para sa kanila? Mapagtapos ng pag-aaral?

Ganoon naman ang lahat ng mga magulang, hindi ba? Lahat sila ay dakila—ang tanging hangad ay ang pinakamabuti para sa kanilang mga anak. Kahit na anong hirap, kakayanin nila para lamang mapakain, mabihisan at mapag-aral ang mga ito. Gaya ng mga magulang ko.

Ngunit kung minsan, ang kadakilaan ng mga magulang ay hindi pa rin sapat. Sapagkat ang kanilang mga anak pa rin ang may hawak ng sarili nilang buhay at ng kahihinatnan nito. Kung hindi ay para saan pa ang kasabihang “ikaw ang kapitan ng sarili mong barko”?

Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng bus. Iba’t ibang mukha ang naroon—na ang bawat isa ay may iba’t ibang kwentong taglay at iba’t ibang labang sinusubukang ipanalo.

Ang ginang kayang iyon na nakatulog nang nakanganga sa may upuan malapit sa pinto, ano ang trabaho? Nakapapagod siguro. Pagdating kaya niya sa bahay ay may daratnan na siyang hapunan? Siya pa rin kaya ang maghuhugas ng kanilang pinagkainan? Tatanungin man lang kaya siya ng kanyang asawa o mga anak kung kumusta ang kanyang naging maghapon?

Ang estudyante naman kayang ito na nakatayo ring gaya ko sa loob ng siksikang bus, naging maayos ba ang buong araw sa eskwela? Nag-aral kaya siyang mabuti?

Iniisip kaya ng magkasintahang iyon na magkatabi sa pandalawahang upuan na sila na hanggang sa huli?

Masaya pa rin kaya ang saleslady na ito sa kanan ko sa kanyang trabaho?

Ano kayang tumatakbo sa isip ng Makati boy na nakaupo sa tapat ko?

Ilang sasakyan na kaya ang nabilang ng batang nakatingin sa labas ng bintana ng bus?

Sinu-sino kaya sa mga pasaherong ito ang masaya? Iyong tunay na masaya? Ang mga nasa bingit na ng pagsuko? Iyong mga nangangailangan ng sinumang makapapansin na mayroon silang pinagdaraanan?

Minsan tuloy ay naiisip ko kung mabuti nga bang wala tayong kakayahan na direktang basahin ang isipan ng ating kapwa.

Isipin na lang natin ang maaaring mangyari kung mayroon tayong ganitong kakayahan. Halimbawa ngayon, sa pinakasimpleng senaryo munang ito, kung mababasa ng Makati boy na nakaupo sa tapat ko ang iniisip ko: “Sana naman ay maisipan niya akong paupuin, ano.” #

Advertisements

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture