Isang Gabi

Isang Gabi photo co Kenzo Almazan.jpg

kuha ni Kenzo Almazan

Ngayon ko lang yata ipinagpasalamat ang pansamantalang pagkawala ng kuryente sa lugar namin. Ngayon lang yata ako hindi nagreklamo sa init o sa huni at kagat ng mga lamok.

Ang tagal na mula nang huli akong naaliw sa sumasayaw na ningas ng gasera. Sa kung papaanong lalapit-lalayo at muling lalapit at lalayo ang mga gamu-gamo sa paligid nito na para bang nanunukso. Sa kung papaanong nagiging hugis aso, ibon at ahas ang anino ng mga kamay ko sa tapat ng apoy.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling ninamnam ang ganitong katahimikan—iyong uri ng katahimikang hindi nakabibingi.

Tila isang bagong areglong tugtugin sa pandinig ko ang salit-salit na huni ng mga kulisap, kahol ng mga aso at ugong ng mga nagdaraang sasakyan. Okay rin pala ang ganito lang, ano? Ang mamintana at tingalain ang mga mumunting bituin na animo mga sequins na isinabog sa madilim na langit. Tapos naisip ko, may gaya ko rin kaya na nakatingin din sa langit sa mga sandaling iyon? Kung mayroon man, ano kaya ang iniisip niya? Kung paris ba niya ay may nakatunghay rin sa langit sa mga oras na iyon?

Tulad ko rin kaya siyang binibilang ang mga bituin at ikinukumpara kung ganoon na rin ba karami ang mga sinayang na sandali para sa pagtupad ng mga pangarap? Tulad ko rin ba siyang natatakot magkamali o masyado nang napanatag sa kasalukuyang kinalaglagyan?

Para rin ba siyang hinihigop ng madilim na langit sa kaibuturan nito habang tinitimbang ang estado niya bilang anak at kaibigan? Kung naging mabuti ba siya sa kanyang kapwa at sarili?

Paris ko rin kaya siyang tinatanong ang mga bituin kung ano ang naging mali at biglang nawala ang isa pang bida sa kanyang kwento ng pag-ibig? Paris ko rin ba siyang naghihintay pa rin sa wala hanggang ngayon? Paris ko rin ba siyang halos maubos na ang lakas sa pakikiusap sa sarili na huwag nang lumingon at mas lalong huwag nang subuking tumakbo pabalik?

Papalalim ang gabi ngunit tila papalayo rin ang antok. Pero ayos lang. Mas okay nang paminsan-minsang mawala ang sigla ng paligid kasama ang lahat ng mga pekeng kislap at tunog na umaagaw sa atensyon natin. Mas okay nang magkaroon ng mga pagkakataong gaya nito na nakatigil muna ang sandali at walang ibang maaaring gawin kundi ang tanungin ang sarili, “Kumusta ka na ba?”

Sana, kung sino ka mang nakatitig din sa mga bituin sa mga sandaling ito, maitawid sa’yo ng madilim na langit ang mensaheng ito—hindi ka nag-iisa. #

 

Advertisements

5 Comments (+add yours?)

  1. mugsandbooks
    Jan 23, 2016 @ 14:12:43

    Galing talaga, Irish! Sobra! ❤

    Liked by 1 person

    Reply

  2. franz21
    May 24, 2017 @ 08:45:03

    Galking nyo po promise! 🙂

    Liked by 1 person

    Reply

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture