Kaawaan Nawa

Photo_prompt[1]

kuha ni Mark Marcos

Naroon na naman siya, doon sa lugar na madalas kong pagkakitaan sa kanya. Madalas siyang nakaupo’t nanlilimos o kundi naman ay natutulog sa lumang bangkong iyon sa isang dating parkeng nilimot na yata ng mga tao sa aming bayan.

Payat siya, parang saranggolang liliparin ng hangin. Kinakailangan pa niya ng kakapitan sa tuwing siya’y tatayo at maglalakad. Hindi ko rin kailanman nakitang napalitan ang marusing niyang sando’t korduroy na salawal. Dahilan kung bakit maaamoy mo na ang masansang niyang singaw kahit ilang dipa pa ang layo ninyo sa isa’t isa.

Mga trese anyos na siguro siya ngunit utal pa rin kung isigaw ng namamaos niyang boses ang, “Palimos po ng barya!” Walang nakakikilala kaya’t “Totoy” na lamang siya kung tawagin ng sinuman. Siguro’y may tatlong buwan ko na siyang nakikitang nakatanod sa lumang bangko sa luma ring parke na iyon.

Natatanaw kasi ang pwesto niya mula sa terminal ng mga dyip na sinasakyan ko pauwi mula trabaho. At habang nagpupuno ng mga pasahero ang dyip ay ang pagmamasid sa batang iyon ang aking pinagkakalibangan.

Taga saan kaya siya? Papaano kayang napadpad siya rito? Wala kayang pamilyang naghahanap sa kanya? Kaawa-awa naman.

Tiyak na hindi ito nakakakain nang wasto. Kahit nga siguro malinis na tubig na maiinom ay madalang na madalang kung matikman ng kanyang lalamunan. Dahil saan naman ito kukuha ng ipambibili? May magbigay dili sa kanya ng limos.

Ulanin at arawin na siguro siya sa lumang bangkong iyon. Doon na rin siguro siya pinapanawan at sinisikatang muli ng araw. Napabuntung-hininga ako. Kaawa-awang talaga.

Wala kayang kahit sinong nakapapansin sa kanya, nahahabag sa kanyang kalagayan at nagnanais na siya ay pagpalain? Napailing ako. Itawag ko kaya sa lokal na pamahalaan o kahit na saang pinakamalapit na kawanggawa?

“Mamaya,” bulong ko sa sarili.

Ngunit ang “mamaya” na iyon ay laging nawawaglit sa aking isip sa tuwing haharapin ko na ang sarili kong mga pagsubok sa buhay. Maaalala ko lamang muli ang tungkol sa payat, marusing at maamoy na batang lalaking iyon tuwing hapon, kapag natatanaw ko siyang nakatitig sa kawalan habang ako’y naghihintay na lumarga ang dyip na maghahatid sa akin pauwi.

Noon ko lamang muling makakapa ang awa ko para sa kanya at muling ipangangako sa sariling gagawa ako ng paraan upang siya’y mapabuti.

Lumipas pa ang kung ilang linggong ganoon nang ganoon lamang ang nangyayari. Hanggang isang hapon, habang muli ko na namang hinihintay na mapuno ang dyip na maghahatid sa akin ay hindi naapuhap ng aking mga mata ang isang pamilyar na pigura sa may lumang bangko sa luma ring parke. Wala roon ang payat, marusing at maamoy na batang lalaking nakatitig sa kawalan na lagi kong pinagmamasdan at pinagbabalakang tulungan.

Iginala ko ang aking mga mata sa pag-asang makikita siya. Maaari kasing nanawa na rin siya sa wakas sa kauupo’t kahihiga sa lumang bangkong iyon at lumipat na ng pwesto. Ngunit, wala. Wala talaga.

Tila naman narinig ng babae’t lalaking katabi ko sa dyip ang tumatakbo sa aking isip.

“Nabalitaan mo ba?” tanong ng babae.

“Ang alin?”

“Nasagasaan daw si Totoy kagabi, itinakbo sa ospital sa bayan kaso namatay rin.”

Sabay kaming napasinghap ng lalaking kausap ng babae. Muli kong nilingon ang lumang bangkong palaging kinaroroonan ni Totoy. Namasa ang aking mga mata.

“Kaawa-awa naman,” anang lalaki. Iyon lang. Iyon lang at nagpalit na sila ng paksa. Ganoon lamang ba talaga ang mga tao? Sa isang iglap ay nakapagpapalit ng damdamin? O baka naman kasi hindi totoo sa kalooban ng marami ang namumutawi sa kanilang mga bibig? Ewan.

Napayuko ako habang matamang iniisip ang nangyari. Namatay na pala ang payat, marusing at maamoy na batang iyon na laging nakatitig sa kawalan. Papaano kaya kung natulungan ko siya? Papaano kaya kung may ibang nakatulong sa kanya? Buhay pa kaya siya hanggang ngayon? Natigilan ako habang iniisip ang mga iyon at muling napatanong: Sino ba ang mas kaawa-awa? Si Totoy o kaming mga nagwalang-bahala sa kalagayan niya? #

Advertisements

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture