Homecoming

bitterness

Halos malunod ka na sa mga papuring naririnig mo mula sa mga dati mong kaklase noong high school. Kesyo wala raw halos nagbago sa ‘yo, ang puti-puti mo na, ang seksi-seksi pa at pang-Creamsilk commercial ang iyong buhok.

Nangingiti ka habang ninanamnam ang mga papuring iyon. Totoo man o hindi ang mga ito ay wala kang pakialam. Isang buwan mula nang malaman mo ang tungkol sa homecoming ninyong magkakaklase ay talagang pinaghandaan mo na ito. Gusto mong maging magandang-maganda ka. Gusto mo rin namang muling makasama ang mga dati mong kaklase dahil kahit papaano’y nasasabik ka sa kanila. Pero may isang tao ka talagang gustung-gustong makita. Isang taong hinding-hindi mo makalilimutan. Isang taong nagmarka nang sobrang lalim sa iyong puso.

Sampung taon na ang nakalipas mula noong madamdaming araw ng inyong pagtatapos. Iginala mo ang iyong mga mata. Ang daming nagbago. Wala na ang mga dati ay pawisin at patpating batang kilala mo. Karamihan ay mga guro na, inhinyero, may mga namamasukan sa opisina at ang iba ay nagsimula ng maliliit na negosyo. Mayroon din namang nagsipag-asawa nang maaga at ngayon ay may mga anak na.

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iba pang naroon nang mapatingin ka sa pintuan ng bulwagang pinagdarausan ng pagtitipon. Nandito na siya. Ang taong kaninang-kanina mo pa hinihintay. Mas tumangkad siya ngayon ngunit walang nabago sa maamo niyang mukha. Parang kahapon lang mula nang huli mong pinagmasdan ang kanyang mga mata, ilong at labi. Nandoon pa rin ang nunal niya sa kaliwang kilay. At sa wakas ay ngumiti siya. Biglang lumakas ang kabog ng iyong dibdib at natakot kang baka masira ang tatag na kaytagal mong inipon.

“Long time no see,” bati nito sa ‘yo at sa iba pa ninyong mga kaklase.

Awtimatikong sumilay ang ngiti sa labi mo na ilang ulit mong sinanay sa harap ng salamin. Pigil na pigil mo ang panginginig nito. Hindi maaaring mahalata ninuman na kinakabahan ka. Kailangan mong ipakitang ayos ka na at hindi na apektado ng kanyang presensya.

“Kumusta? Lalo kang gumanda,” baling nito sa ‘yo.

“Salamat. Heto, okay naman. Masaya,” ang sagot mo sa masiglang tinig.

Tumangu-tango ito samantalang binati mo naman ang iyong sarili sapagkat maayos mong nasabi ang iyong linya. Pang-best actress kumbaga.

Naupo ito sa lamesang kinauupuan mo at masayang nakipagkwentuhan. Palihim mo naman itong pinagmamasdan. Malikot pa rin ang kamay nito kapag nagsasalita at malutong pa rin itong tatawa. Accountant na pala ito ngayon sa isang multinational company. Napagtapos na rin nito ang dalawang nakababatang kapatid.

“Sa susunod, sa kasal ko naman ang reunion,” ang sabi nito. Nagniningning ang mga mata.

Biglang nanigas ang leeg mo. Wala ka ring maapuhap na salita habang ‘di naman magkamayaw ang mga kaklase ninyo sa pagbati at panunukso. Gusto raw sanang sumama ng nobya nito ngayon ngunit naudlot dahil sa trabaho. Matagal na raw talaga nilang balak magpakasal at alam na rin ito ng kanilang mga magulang. Imbitado raw kaming lahat.

Kasal? Ikakasal na pala siya. Habang ikaw ay namumuhay pa rin sa kahapon. Tandang-tanda mo pa rin ang sakit ng unang pagkabigo ng bata mong puso. Araw-araw ay binabalikan mo ang mga masasayang alaala ng tatlong taon ninyong relasyon.

“Tatlong taon din ‘yon pero bakit tila nakalimutan mo na?” gusto mo sanang itanong sa kanya ngunit pinigil mo ang iyong sarili.

Hindi ka iiyak. Hinding-hindi ka iiyak. Dahil bakit ka naman iiyak? Ano ba ang karapatan mong umiyak? Hindi mo naman iniisip na babalikan ka niya, ‘di ba? Natural lang din naman na makahanap na siya ng babaeng iibigin sa haba ng panahon mula nang matapos ang lahat sa inyo. Mahirap lang talagang tanggapin na nakalimot na ang lahat at ikaw na lang pala ang naiwan sa nakalipas. #

Advertisements

19 Comments (+add yours?)

  1. simplygracelyn
    Feb 24, 2016 @ 06:35:31

    I’m drowned to your story. Too sad it doesn’t have a happy ending. But I really love reading your stories. You’re really something! 🙂

    Liked by 1 person

    Reply

  2. melicaina
    Feb 24, 2016 @ 13:27:20

    Ang ganda!

    Liked by 1 person

    Reply

  3. Liborio S. Cabanlit
    Feb 25, 2016 @ 09:54:02

    galing ng pagkalahad. Madrama ang pagpapakilos ng imahinasyon. Kahit walang ending, tagos pa rin sa puso. Mabigat ang dating!

    Like

    Reply

  4. Diwata
    Feb 25, 2016 @ 12:16:37

    You definitely showed us what bitterness looks like. I enjoyed this. Salamat. Siguro pag may nagtanong saken what bitterness looks like, ang isasagot ko lang eh tingnan mo na lang si Bitter Ocampo.. Haha chos lang kabayan! 😚

    Liked by 1 person

    Reply

    • tagalogdito
      Feb 25, 2016 @ 14:05:27

      Thank youuuu 🙂 o kaya kapag may nagtanong sayo, sabihin mo hanap ng babae/lalakeng nagpapaganda/gwapo para masabe nila sa exes nila, “Ito ang sinayang mo!” Nyahaha, yon, bitterness yon, hahaha

      Like

      Reply

  5. branenosekai
    Feb 25, 2016 @ 14:57:47

    WOW, ang galing. Tagos nga talaga katulad ng sinabi ng ibang nag-comment. Masakit sa dibdib kasi minsan talaga nastustuck tayo sa kahapon.

    Like

    Reply

  6. Kim Lamela
    Feb 28, 2016 @ 02:54:55

    That last sentence though… bull’s eye! 😀

    Like

    Reply

  7. Trackback: [Writers Write] Kalipunan ng Maiikling Kwento at Sanaysay Vol. 2 | Tagalog Dito

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture