Ang Tanging Saksi

murder

Pulang-pula ang paligid at nakabibingi ang katahimikan. Ibang-iba mula sa ingay at kaguluhan kanina.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Bigla na lang niya akong dinampot mula sa lamesa. Napakahigpit ng hawak niya sa akin. At sa nanginginig niyang kamay ay ubod lakas niya akong iniunday sa nakatalikod niyang asawa.

Ang init. Damang-dama ko ang dugong sumambulat mula sa nasugatang likod ng biktima. Dahan-dahan itong napaluhod hanggang sa tuluyan nang mapahiga sa sahig. Nakamulagat ang mga mata nito at nakaawang ang mga labi. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

“Hindi mo na ako masasaktan… hinding-hindi mo na ako masasaktan…”

Mariing nakapikit ang kanyang mga mata at nawala na ang panginginig ng kanyang mga palad. Nilapitan niya ang kanyang naghihingalong asawa.

“Tulungan mo ako… ayoko pang mamatay…”

Ngunit tila bingi siya sa pakiusap nito. Itinaas niya ako sa ere at muling itinarak sa katawan ng kanyang kabiyak. Sa dibdib… sa leeg… sa tiyan. Paulit-ulit hanggang sa ang sahig ay matigmak na ng kulay pulang likido. Hanggang maging siya ay halos maligo na rin sa dugo.

Paigsi nang paigsi ang mga paghinga ng biktima. Pahina nang pahina… pawala nang pawala.

Sumilay ang ngiti sa labi ng babae. Mahigpit pa rin niya akong hawak habang ang isa pa niyang kamay ay hinahaplus-haplos naman ang maputlang mukha ng kanyang kabiyak. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

“Mahal, magsisimula tayong muli. Nabigo man tayo rito, sisiguraduhin kong magiging maayos tayong muli roon sa kabilang ibayo…”

Nagulat ako ng muli niya akong itaas sa ere. At sa isang iglap lang ay muli niya akong itinarak. Akala ko ay sa katawang muli ng kanyang asawa ngunit… ngunit hindi. Sa pagkakataong ito ay ibinaon naman niya ako sa sarili niyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso. Nagawa pa niya akong hugutin bago siya tuluyang bumagsak at mawalan ng buhay sa ibabaw ng bangkay ng kanyang asawa.

Natapos na.

Naririnig ko mula sa labas ang huni ng sirena ng mga pulis. May papalapit na mga nagmamadaling yabag. May mga pumapalahaw ng iyak. Sunud-sunod ang pagklik ng kamera. Nangangalap na ng mga ebidensya ang mga otoridad ngunit bukod sa akin, sino pa bang maaaring makapagbigay-linaw sa malagim na pangyayaring ito? #

Advertisements

5 Comments (+add yours?)

  1. branenosekai
    Feb 27, 2016 @ 10:57:22

    Speechless! Ang galing 😮

    Like

    Reply

  2. Trackback: [Writers Write] Kalipunan ng Maiikling Kwento Vol. 1 | Tagalog Dito
  3. raspberry
    Jul 13, 2016 @ 20:46:26

    WOW! Daebak.. ang galing mo po 🙂

    Liked by 1 person

    Reply

Comment-comment din 'pag may time!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture