[Tampok] Hindi Ko na Marinig

Hindi ko na marinig

ang tinig ng pag-ibig.

Hindi na bumubukas

ang kanyang labi. Salat

sa awitin ang ibon.

Namumutla ang apoy.

Rosas na bagong-pitas

ay naluluoy agad.

Hindi na umiihip

ang hangin. Natahimik

na ang mga kampana.

Ako’y nangungulila.

Puso ko’y lupaypay na.

Diyos ko, ako’y patay na.

Halaw kay Jose Garcia Villa ni Jose F. Lacaba

[Tampok] Sa Sandaang Pulo*

Parang punongkahoy

sa Sandaang Pulo,

nag-uugat, yumayabong

sa bato;

parang bangkang de-motor

sa Katimugang Dagat Tsina,

sumasalunga sa agos—

sana’y ganyan din

itong aking puso

sa bato at dagat ng kasalukuyan.

*Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan

Akda ni Jose F. Lacaba

[Tampok] Paksiw na Ayungin

img_20160724_113218.jpg

(c) tagalogdito

Ganito ang pagkain
ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matitirang tinik),
at ilapit sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
Saka mo
umpisahan ang laman.
Unti-unti lang, dahan-
dahan, at simutin nang
husto–kokonti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.

Akda ni Jose F. Lacaba

tagalogdito’s note: Ito po’y pangat na sapsap pero ang paraan ng pagkai’y gaya rin ng sa paksiw na ayungin. 🙂

Isang Bukas na Liham para sa mga Magnanakaw ng Akda

Ikaw,

Tubuan ka naman sana ng kahit katiting na hiya sa katawan. Walang masamang mag-share ng mga nababasa mo online PERO bigyan mo naman ng tamang kredito ang may-akda.

Masakit makitang inaangkin ng iba ang kung anumang dapat ay sa iyo. Parang sa pag-ibig. Gusto mo bang pormahan at sulutin ng kung sino ang syota mo?

Respect writers and their works.

Huwag kang magnanakaw… SA KAHIT ANONG PARAAN.

Screenshot_2016-02-21-20-24-55[1]Screenshot_2016-02-21-20-27-32[1]

More

[Tampok] Ang Kalupi

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya, para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli. More

[Tampok] Sandosenang Sapatos

Sandosenang Sapatos

larawan mula sa Google

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”

“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”

“Parang may madyik ang iyong kamay!” More

[Tampok] Ang Kwento ni Mabuti

Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay… More

Previous Older Entries

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture

%d bloggers like this: