Lunes, Biyernes

Ang hilig nating maghabol
at ipagsiksikan ang ating mga sarili
sa mga naggigitgitang bus sa kahabaan ng EDSA.
Parang mga tangang naghihintay
sa hindi umuusad na trapik.
Umaasa na sana’y
may magparaya ng upuan
dahil ang sakit-sakit na,
manhid na manhid na,
wala ng maramdaman
at malapit na malapit ng sumuko
ang ating mga binti.
Paulit-ulit pa ring iniintindi
ang mga kapwa pasaherong
nakasasakit.
Nagtitiis kahit
madalas mapako ang mga pangakong
magbabago na raw ang lagay ng trapik.
Pero hindi bale,
at least ang mga bus sa EDSA
Lunes at Biyernes lang
kung magpahabol, magpahintay at magpaasa.

Edsa Traffic

larawan mula sa Google

(Feeling Expert) Indie Movie Review: Cinemalaya 2013’s “Nuwebe”, “Liars” and “Transit”

Hoy, first time kong mag-Cinemalaya! At dahil d’yan, magmamaganda ako at i-re-review ko ang dalawang New Breed full length features na napanuod ko with friends: “Nuwebe” ni Joseph Israel Laban at “Transit” ni Hannah Espia. Pati na rin ang Directors Showcase entry na “Liars” ni Direk Gil Portes. Heto na at wala na kayong magagawa pa:

Spoiler alert!

More

Sapagkat ‘di na tayo tulad ng dati

Napansin mo ba?
Hindi mo na ako kinakausap.
Hindi mo na ako tinitingnan.
Hindi na rin tayo nagpapalitan ng text.
Bigla kang nanlamig.
Ubos na ang ating mga kwento.
Nanaig na ang pait ng beer.
Hindi ka na tumatawa sa mga jokes ko.
Napawi na ang mga ngiti.
Napaos na ang mga halakhak.
Nagsawa ka na ba?
Hindi ko na nababasa ang mga kilos mo.
Hindi mo na rin ako sinasabihan ng mga sikreto.
Hindi na tayo kumportable.
Nagkakahiyaan na.
Napansin mo ba?
Nakapaninibago.
Sapagkat ‘di na tayo tulad ng dati.

Strangers2

photo grabbed from Google

Jeepney/Bus/FX rants

Two years na ‘kong empleyada (Dapat ko bang ipagmalaki ‘yun?). Uwian five days a week. Tricycle (optional)-jeep-jeep-buuuuus-tricycle (optional). P91 one-way trip from Bulacan to Quezon City. Ayun. Sa tagal-tagal ng pagbabyahe ko, pwede na ‘kong mag-publish ng book sa dami ng rants ko. Pero sino naman bibili ng book ’bout rants? Kaya minabuti kong i-blog na lamang ito.

‘Eto na! Ang listahan ng 10 pinakakaraniwang problemang (in random order) makakasagupa ng isang pasahero sa mga pampublikong jeep, bus at FX (LIKE mo ‘re kung naka-relate ka!):

More

Love letter on a scratch paper

image

Dearest (sobrang kupad kong) the one,

More

Dito nga ba ang dapat kong kalagyan?

image

Tanda ko pa na “I want to be a doctor” ang sinabi ko sa stage no’ng kinder graduation ko. Siguro dahil uso gusto ko talagang makatulong sa mga maysakit. Nurse naman ang type ko nu’ng high school grad. Siguro dahil uso rin gusto kong makapag-abroad. BS Nursing nga ang ipinasa kong course sa BSU kaso nagbago ang isip ko bago ang enrolment. Natauhan ako marahil dahil sa ang mahal pala ng tuition at malamang pag-graduate ko ay wala na akong mahanap na trabaho dahil ang daming gustong maging nurse no’ng mga moment na ‘yon. Kaya ang ending, bumagsak ako sa second choice ko na BA Mass Communication. More

Chopsuey

Dati, kapag tinatanong ako kung ano ang gusto ko kung sakaling magkahimala at magkaroon pa ako ng kapatid, sagot ko, kuya. Ngayon, kahit girl, boy, bakla, tomboy, papatusin ko na. Masaya siguro kung may kasama kang mag-fangirling over Kdramas, may kakwentuhan sa hatinggabi tungkol sa crush mo sa office at may mahihila ka kung bigla mong naisipan na magpagupit. Hay Lord, gusto ko po ng kuya, kahit po ng ate o kahit na po bunso. Kaso 63 na ang nanay ko. Alam na.

***

More

Previous Older Entries

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture