“Pareho kami ng tatay mo, may nunal sa talampakan!” ‘Yun ang laging sinasabi sa akin ni Nanay noong bata pa ako. Marka raw ‘yun ng isang taong hindi makapirmi sa iisang lugar. Marahil, ang mga nunal na iyon ang nag-udyok sa kanilang lisanin ang bayan ng Tierra Verde sa Pilipinas noong 1920 upang makipagsapalaran sa mga plantasyon ng tubo dito sa Hawaii.
Dito na ako isinilang at nagkamulat. Ganunpaman, ipinaghele ako ng matatamis na kuwento nina Nanay at Tatay tungkol sa nilisan nilang bayan. Sa aking murang isipan, nabuhay at nagkahugis ang mapa ng Tierra Verde – ang luntiang kabundukan, mayabong na gubat, sariwang bukal, matatayog ng puno, at malakristal na ilog. Ano kayang halina ang taglay ng nunal sa talampakan na nagtulak sa mga magulang kong lisanin ang ganoong kagandang bayan? More
Recent comments: