Homecoming

bitterness

Halos malunod ka na sa mga papuring naririnig mo mula sa mga dati mong kaklase noong high school. Kesyo wala raw halos nagbago sa ‘yo, ang puti-puti mo na, ang seksi-seksi pa at pang-Creamsilk commercial ang iyong buhok.

Nangingiti ka habang ninanamnam ang mga papuring iyon. Totoo man o hindi ang mga ito ay wala kang pakialam. Isang buwan mula nang malaman mo ang tungkol sa homecoming ninyong magkakaklase ay talagang pinaghandaan mo na ito. Gusto mong maging magandang-maganda ka. Gusto mo rin namang muling makasama ang mga dati mong kaklase dahil kahit papaano’y nasasabik ka sa kanila. Pero may isang tao ka talagang gustung-gustong makita. Isang taong hinding-hindi mo makalilimutan. Isang taong nagmarka nang sobrang lalim sa iyong puso. More

Advertisements

Lunes, Biyernes

Ang hilig nating maghabol
at ipagsiksikan ang ating mga sarili
sa mga naggigitgitang bus sa kahabaan ng EDSA.
Parang mga tangang naghihintay
sa hindi umuusad na trapik.
Umaasa na sana’y
may magparaya ng upuan
dahil ang sakit-sakit na,
manhid na manhid na,
wala ng maramdaman
at malapit na malapit ng sumuko
ang ating mga binti.
Paulit-ulit pa ring iniintindi
ang mga kapwa pasaherong
nakasasakit.
Nagtitiis kahit
madalas mapako ang mga pangakong
magbabago na raw ang lagay ng trapik.
Pero hindi bale,
at least ang mga bus sa EDSA
Lunes at Biyernes lang
kung magpahabol, magpahintay at magpaasa.

Edsa Traffic

larawan mula sa Google

Sapagkat ‘di na tayo tulad ng dati

Napansin mo ba?
Hindi mo na ako kinakausap.
Hindi mo na ako tinitingnan.
Hindi na rin tayo nagpapalitan ng text.
Bigla kang nanlamig.
Ubos na ang ating mga kwento.
Nanaig na ang pait ng beer.
Hindi ka na tumatawa sa mga jokes ko.
Napawi na ang mga ngiti.
Napaos na ang mga halakhak.
Nagsawa ka na ba?
Hindi ko na nababasa ang mga kilos mo.
Hindi mo na rin ako sinasabihan ng mga sikreto.
Hindi na tayo kumportable.
Nagkakahiyaan na.
Napansin mo ba?
Nakapaninibago.
Sapagkat ‘di na tayo tulad ng dati.

Strangers2

photo grabbed from Google

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture