[Tampok] Hindi Ko na Marinig

Hindi ko na marinig

ang tinig ng pag-ibig.

Hindi na bumubukas

ang kanyang labi. Salat

sa awitin ang ibon.

Namumutla ang apoy.

Rosas na bagong-pitas

ay naluluoy agad.

Hindi na umiihip

ang hangin. Natahimik

na ang mga kampana.

Ako’y nangungulila.

Puso ko’y lupaypay na.

Diyos ko, ako’y patay na.

Halaw kay Jose Garcia Villa ni Jose F. Lacaba

Job Interview

first time

Dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug.

Parang tinatambol ang puso ko. Ewan kung dahil ba sa first time kong humarap sa isang job interview o dahil dito sa morenong tsinitong lalaki na katabi ko. ‘Di naman kagwapuhan pero hanep sa lakas ng dating. Aplikante ring gaya ko. Okay na sana kaso mukhang ‘di marunong ngumiti. Ahhh, baka naman kinakabahan din.

Kung alam ko lang na may makakasabay akong ganito kagwapo ‘di sana’y naghanda ako nang husto. Teka, naghanda? Muntik na akong matawa. Hindi pa ba paghahandang matatawag itong gayak ko? Naka-three-piece corporate suit lang naman ako. Naka-heels. May hawak na folder kung saan nakaipit ang aking resume at iba pang mga papeles. Pinalantsa ko pa ang buhok ko. Sablay nga lang sa makeup dahil naghulas na. Ang init ba naman sa bus na sinakyan ko paluwas ng Maynila.

Pasimple kong sinulyapan ang morenong tsinitong lalaki na katabi ko. Naka-jeans at polo shirt lamang ito. Nakasapatos at may hawak ding folder. Nakakahiya talaga. Bihis na bihis ako samantalang itong mga katabi ko… More

Homecoming

bitterness

Halos malunod ka na sa mga papuring naririnig mo mula sa mga dati mong kaklase noong high school. Kesyo wala raw halos nagbago sa ‘yo, ang puti-puti mo na, ang seksi-seksi pa at pang-Creamsilk commercial ang iyong buhok.

Nangingiti ka habang ninanamnam ang mga papuring iyon. Totoo man o hindi ang mga ito ay wala kang pakialam. Isang buwan mula nang malaman mo ang tungkol sa homecoming ninyong magkakaklase ay talagang pinaghandaan mo na ito. Gusto mong maging magandang-maganda ka. Gusto mo rin namang muling makasama ang mga dati mong kaklase dahil kahit papaano’y nasasabik ka sa kanila. Pero may isang tao ka talagang gustung-gustong makita. Isang taong hinding-hindi mo makalilimutan. Isang taong nagmarka nang sobrang lalim sa iyong puso. More

Elevator

dream

Buti hindi pa kinakagat ng mga langgam ang labi ko. Sobrang tamis kasi ng ngiting kanina pa nakapaskil dito. Ayaw maalis. Parang itinahi.

Itinatanong mo kung bakit? Ganito kasi. Ngumiti siya sa akin kanina. Oo, talaga nga! Hindi rin ako makapaniwala. Ako ba talaga? Tumingin pa ako sa paligid dahil baka hindi naman ako. Pero wala namang ibang tao. Kaya malamang ay ako nga ang nginingitian niya.

Lumakad siya palapit sa akin. At nang tawagin niya ang pangalan ko ay doon ko lamang nakumpirma na ako nga ang nginingitian niya. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Maayos kaya ang buhok ko? Sana pala ay nagpulbos ako kanina. Sana nagpahid ako ng lipstick. Sana dinagdagan ko ang wisik ng pabango. Sana… sana… sana. More

Sinusundan ba tayo ng buwan?

moonlight

Madalas kong itanong noong bata pa ako, “Sinusundan po ba tayo ng buwan? Bakit parang hinahabol niya tayo? Bakit parang lagi siyang nakasilip sa atin? Bakit parang lagi siyang nakabantay?”

Parang naririnig ko pa ang mga pagtawa mo sa mga biro ko. Kahit nga ang mga ngiti natin, naririnig ko. Nananahan sa tenga ko ang mga kwento mo. Paulit-ulit kong naririnig, parang sirang plaka. Kung paano kang napagod sa trabaho. Kung paanong matiyaga mong hinintay ang pagsapit ng alas kwatro ng madaling-araw para magkita tayo. Sa paborito nating lugar. Doon sa payapa. Doon sa silong ng liwanag ng buwan. More

Ayaw na Ayaw Kitang Natatanaw

Ayaw na ayaw kitang natatanaw
sa umaga, tanghali, gabi’t madaling-araw.

Ayaw na ayaw kitang natatanaw sa umaga,
sa pagdating ko sa opisina.
Ayaw na ayaw kong makikitang naroroon ka na’t abala.
Ayaw na ayaw kong sa ganoong kasimpleng bagay
ay napasasaya mo ako’t napasisigla
sapagkat hindi dapat.
Ayaw na ayaw kong bigla na lang kakabog ang dibdib ko’t
may kung anong magtatakbuhan sa aking tiyan
sa tuwing mapapasulyap ka rin sa akin.
Ayaw na ayaw kong makadadama ng kahit katiting na pag-asa
na baka hinahanap mo rin ako’t na-mi-miss
sapagkat alam kong hindi,
alam na alam kong malabo.

Ayaw na ayaw kitang natatanaw sa tanghali
kapag nakikita kitang naghahanda na para kumain.
Ayaw na ayaw kong sinusundan ka ng tingin ng mga mata ko,
minamasdan ang bawat kilos mo.
Ayaw na ayaw ko ang katotohanang umaasa ako
araw-araw, tuwing pananghalian
na dadaanan mo ako’t aayain
para ipagpatuloy ang mga naudlot nating usapan
na kakain tayo sa labas pagkatapos panoorin
ang live action ng Lupin.
Ayaw na ayaw kong mararamdaman ang paulit-ulit na pagkabigo
sa tuwing nilalagpasan mo ang upuan ko.

Ayaw na ayaw kitang natatanaw sa gabi
kapag nagmamadali na akong umuwi.
Ayaw na ayaw kong bumabalik sa isip ko ang mga alaala
ng kung ilang ulit nating pagkakasalubong
at ang madalas mong pagtatanong, “Uuwi ka na?”
pati na ang mga pahabol mong “Ingat ha.”
Ayaw na ayaw kong bigla na lang akong mapapangiti
kapag naaalala ko kung papaano mo akong tinanong
sa harap ng mga kaibigan mo
kung ayos lang bang sabay na tayong
maglakad kahit hanggang MRT.
Ayaw na ayaw kong muli na namang umasa’t masaktan
kaya mas lalo ko na lamang binibilisan
ang aking mga paghakbang
kahit na hindi ko masabi kung alin ang mas mabigat:
ang puso ko ba o ang bag?

Ayaw na ayaw kitang natatanaw sa madaling-araw
kapag iilan na lamang ang mga tao’t maginaw.
Ayaw na ayaw kong magbabaliktanaw
sa nag-uumapaw kong pagkasabik
habang hinihintay ko noon ang pagsapit ng alas kwatro,
kapag ang lahat na’y tahimik.
Ayaw na ayaw kong mapapatingin sa vendo machine
dahil parang nakikita kita at ang sarili kong bumibili.
Ayaw na ayaw kong makaaamoy ng kape
dahil parang naririnig kong muli ang mga paghigop mo,
ang mga kwentuhan natin, ang mga pagtawa,
at ang mga paborito mong OPM na kanta,
dahil parang nararamdaman kong muli ang mga titig mo,
ang paghawak mo sa kamay ko,
maging ang kung papaano kong ginawang balabal
ang mga bisig mo sa mga balikat ko.
Pinaka ayaw kitang natatanaw sa madaling-araw
sapagkat iyon ang pinakamasakit.

Ayaw na ayaw kitang natatanaw
sa umaga, tanghali, gabi’t madaling-araw
dahil ayaw na ayaw kong manghinayang
sa kung papaano tayong nasayang.
Ayaw na ayaw kong maiisip na muntik na,
muntik-muntikan na kitang minahal,
muntik-muntikan mo na rin akong mahalin,
muntik-muntikan na tayong sumaya
sa piling ng isa’t isa.
Ayaw na ayaw kitang natatanaw
dahil para akong mababaliw.
Ayaw na ayaw kitang natatanaw
at mapatunayang ikaw at ikaw pa rin
ang laman ng bawat kong tula’t mga panaginip.

Ayaw na ayaw kitang natatanaw…
Pero ano ba ang dapat nating gawin
gayong tila mas lumiit pa’t sumikip
ang opisina para sa atin?

Inspirasyon mula sa tulang Ayokong Tinatanong Mo Ako ni kalyosakanangpalasinsingan

Huwag Mo Sanang Ipagkamali ang Pagtatampo Ko sa Galit

Nais kong malaman mo
ang ipinagkaiba
ng taong nagagalit
sa taong nagtatampo.

Hindi nagagalit ang isang taong
matiyaga pa ring naghihintay
sa mga dahilan mo’t paliwanag
sa kung bakit bigla ka na lamang naglaho
tangay ang inyong pag-ibig at mga pangako.

Hindi nagagalit ang isang taong
buong tapang ka pa ring ipinagtatanggol
sa mga taong nagbigay na sa’yo ng hatol
at walang pagod pa ring lumalaban
sa giyerang tila ikaw ang unang sumuko.

Hindi nagagalit ang isang taong
binibilang ang bawat mong sulyap,
umaasa pa rin at nakikiusap
na sana’y malagyan na ng bantas
ang mga nabitin ninyong pangungusap.

Hindi nagagalit ang isang taong
naniniwala pa rin sa’yong kabutihan
at kumakapit pa rin sa alaala ng nakaraan
sa kabila ng nagsusumigaw na katotohanang
naduwag ka kaya mo siya biglang binitawan.

Maniwala ka—
hindi nagagalit ang taong iyon.

Kaya’t huwag ka nang mag-atubili,
yapusin mo siya nang buong higpit,
lunurin mo siya sa nasasabik mong mga halik
hanggang sa ang tampo niya’y malusaw sa init
ng lumalagablab ninyong pag-ibig.

Iyon lamang ang hinihintay niya.
Iyon lang, wala nang iba pa.

Sapagkat nais niyang malaman mo—
hindi siya nagagalit;
siya lamang ay nagtatampo. #

Previous Older Entries

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture

%d bloggers like this: