[Tampok] Hindi Ko na Marinig

Hindi ko na marinig

ang tinig ng pag-ibig.

Hindi na bumubukas

ang kanyang labi. Salat

sa awitin ang ibon.

Namumutla ang apoy.

Rosas na bagong-pitas

ay naluluoy agad.

Hindi na umiihip

ang hangin. Natahimik

na ang mga kampana.

Ako’y nangungulila.

Puso ko’y lupaypay na.

Diyos ko, ako’y patay na.

Halaw kay Jose Garcia Villa ni Jose F. Lacaba

[Tampok] Sa Sandaang Pulo*

Parang punongkahoy

sa Sandaang Pulo,

nag-uugat, yumayabong

sa bato;

parang bangkang de-motor

sa Katimugang Dagat Tsina,

sumasalunga sa agos—

sana’y ganyan din

itong aking puso

sa bato at dagat ng kasalukuyan.

*Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan

Akda ni Jose F. Lacaba

Adobo

happiness

Nakangiti kong pinagmamasdan ang magana niyang pagkain. Paborito niya kasi ang adobong sitaw na inihain ko para sa aming pananghalian. Inani ko iyon mula sa munti naming gulayan sa aming likod-bahay. Nag-aagaw ang alat, tamis at asim. Medyo maanghang. Tuyung-tuyo ang sabaw. Malutong pa ang gulay. Batid kong masarap kahit walang ibang sahog kundi dinikdik na tsitsaron.

Maligaya na kami sa ganito. Nakatira kami sa pawid. Katre ang aming higaan. Kumakain naman ng tatlong beses isang araw. Iyon nga lang, madalas na adobong sitaw lang ang ulam. Ngunit ‘di bale… More

Dalaw

loneliness

Ang lakas ng ugong ng aircon pero mainam na rin iyon kaysa naman mabingi ka sa katahimikan. Nakababaliw na ang matinding pagkainip na iyong nararamdaman. Wala man lang kasing TV o ‘di kaya ay radyo sa silid ng ospital na ‘yon. Lowbat pa ang iyong cellphone at bagaman at dala mo ang iyong charger ay ipinagbabawal naman ang pagsasaksak sa kuryente ng kahit anong gadget. Napakahusay.

OA na kung OA pero kundi dahil sa ugong ng aircon na ‘yon ay bumigay na marahil ang iyong katinuan. Kundi man ay iisipin mong may ‘di ka pangkaraniwang kakayahan dahil sa halos marinig mo na ang tik-tak ng relos na nakasabit sa dingding, ang pagpatak ng iyong swero o kahit ang sarili mong paghinga. More

[Tampok] Ang Kwento ni Mabuti

Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay… More

Bahay Matanda

Bahay Matanda

kuha ni Mark Marcos

Sikat ang bahay namin sa Sta. Ines. Pinakamalaki kasi ito sa hilera ng mga kabahayang malapit sa sentro ng aming bayan. Bahay Matanda kung tawagin ito ng mga lokal sapagkat makaluma ang istilo nito. Minana pa kasi ito ni Papa mula sa aking yumaong lolo at lola. Gawa sa bato ang ibaba habang kahoy naman ang ikalawang palapag. Kapis ang mga bintana at napipintahan ng barnis ang tablang dingding, puting pintura naman ang sa sementong pader. Malawak din at natatamnan ng iba’t ibang mga puno ang bakurang kinatitirikan nito.

Kilala rin ang aming pamilya sa aming munting bayan. Kung ilarawan nga kami ng mga lokal dito ay “mga mabubuting tao.” Si Papa, kilala ng lahat bilang si “Ninong.” Galante kasi. Madalas tuloy mag-anak sa mga kasalan. S’yempre pa ay sagot na nito ang litson. Marami rin siyang paaral na mga kabataan sa Sta. Ines. Regular na nasa Bahay Matanda ang mga “iskolar” ni Papa tuwing Linggo para kumuha ng kanilang mga baon at iba pang pinansyal na pangangailangan. More

[Tampok] Walang Panginoon

Vietnam1995 VN-24-18

larawan mula sa Google

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik niya ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan siyang magsiksik, kahit na saan siya magtago, kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa kaniyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

More

Previous Older Entries

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture

%d bloggers like this: