Dalaw

loneliness

Ang lakas ng ugong ng aircon pero mainam na rin iyon kaysa naman mabingi ka sa katahimikan. Nakababaliw na ang matinding pagkainip na iyong nararamdaman. Wala man lang kasing TV o ‘di kaya ay radyo sa silid ng ospital na ‘yon. Lowbat pa ang iyong cellphone at bagaman at dala mo ang iyong charger ay ipinagbabawal naman ang pagsasaksak sa kuryente ng kahit anong gadget. Napakahusay.

OA na kung OA pero kundi dahil sa ugong ng aircon na ‘yon ay bumigay na marahil ang iyong katinuan. Kundi man ay iisipin mong may ‘di ka pangkaraniwang kakayahan dahil sa halos marinig mo na ang tik-tak ng relos na nakasabit sa dingding, ang pagpatak ng iyong swero o kahit ang sarili mong paghinga. More

Advertisements

Kung

romance in two sentences

grabbed from Writers Write

Pumihit na ako patalikod nang hindi ko na kayanin pang bilangin ang bawat hakbang niya papalayo sa akin, sa aming pag-ibig, at sa aming mga pangako. Ngunit, ang hindi ko alam at kailanman marahil ay hindi ko na malalaman pa ay nang simulan naman niyang bilangin ang mga hakbang ko papalayo.

If

I turned my back when I couldn’t bear anymore counting his steps away from me, from our love, from our promises. But what I didn’t know and probably will never ever know is when he started counting my steps away from him.

Kaawaan Nawa

Photo_prompt[1]

kuha ni Mark Marcos

Naroon na naman siya, doon sa lugar na madalas kong pagkakitaan sa kanya. Madalas siyang nakaupo’t nanlilimos o kundi naman ay natutulog sa lumang bangkong iyon sa isang dating parkeng nilimot na yata ng mga tao sa aming bayan.

Payat siya, parang saranggolang liliparin ng hangin. Kinakailangan pa niya ng kakapitan sa tuwing siya’y tatayo at maglalakad. Hindi ko rin kailanman nakitang napalitan ang marusing niyang sando’t korduroy na salawal. Dahilan kung bakit maaamoy mo na ang masansang niyang singaw kahit ilang dipa pa ang layo ninyo sa isa’t isa.
More

Bahay Matanda

Bahay Matanda

kuha ni Mark Marcos

Sikat ang bahay namin sa Sta. Ines. Pinakamalaki kasi ito sa hilera ng mga kabahayang malapit sa sentro ng aming bayan. Bahay Matanda kung tawagin ito ng mga lokal sapagkat makaluma ang istilo nito. Minana pa kasi ito ni Papa mula sa aking yumaong lolo at lola. Gawa sa bato ang ibaba habang kahoy naman ang ikalawang palapag. Kapis ang mga bintana at napipintahan ng barnis ang tablang dingding, puting pintura naman ang sa sementong pader. Malawak din at natatamnan ng iba’t ibang mga puno ang bakurang kinatitirikan nito.

Kilala rin ang aming pamilya sa aming munting bayan. Kung ilarawan nga kami ng mga lokal dito ay “mga mabubuting tao.” Si Papa, kilala ng lahat bilang si “Ninong.” Galante kasi. Madalas tuloy mag-anak sa mga kasalan. S’yempre pa ay sagot na nito ang litson. Marami rin siyang paaral na mga kabataan sa Sta. Ines. Regular na nasa Bahay Matanda ang mga “iskolar” ni Papa tuwing Linggo para kumuha ng kanilang mga baon at iba pang pinansyal na pangangailangan. More

Isang Buwang Pag-ibig (Pt. I)

Isang Buwang Pag-ibig

kuha ni Mark Marcos

Sa loob ng halos isang buwan ay napakagandang langit tuwing dapit-hapon ang natanaw ko. Wala itong katulad. Kabigha-bighani ang kulay–lila na sinasalitan ng rosas. Napakaromantikong pagmasdan dahil tila ba kulay ito ng isang papausbong pa lamang na pag-ibig.

Mahigit tatlong buwan na buhat nang makilala ko si Raymund. Bagong empleyado siya noon sa kumpanyang halos dalawang taon ko nang pinapasukan. Bagong graduate ng Information Technology. Naalala ko pa kung gaano kalawak ang ngiti ko noong ipakilala siya ng aming boss sa amin. Paano naman kasi ay kapansin-pansin ang hawi ng kanyang buhok. Parang si Daniel Padilla. More

Kalahating Taong Pasakit (Pt. II)

Kalahating Taong Pasakit

kuha ni Mark Marcos

Ang sabi nila, kapag daw iniyak mo nang iniyak ang lahat, mawawala ang anumang sakit na iyong nararamdaman. Mapapagod ka rin daw. Matatauhan. Pero bakit tila nailuha ko na ang lahat ng tubig sa katawan ko, masakit na masakit pa rin ang loob ko? Parang sariwang sugat pa rin na pinahiran ng alkohol?

May kulang anim na buwan na matapos ang biglaang pagbibitiw ni Raymund sa kumpanyang aking pinapasukan ngunit punum-puno pa rin ng napakaraming mga tanong ang isip ko. Bakit siya umalis nang walang paalam? Bakit bigla niya akong binitawan sa ere? Nagustuhan niya rin ba ako sa loob ng isang buwan ng pagiging malapit namin sa isa’t isa? Naiisip man lamang kaya niya ako ngayon? More

Next Newer Entries

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture