[Tampok] Hindi Ko na Marinig

Hindi ko na marinig

ang tinig ng pag-ibig.

Hindi na bumubukas

ang kanyang labi. Salat

sa awitin ang ibon.

Namumutla ang apoy.

Rosas na bagong-pitas

ay naluluoy agad.

Hindi na umiihip

ang hangin. Natahimik

na ang mga kampana.

Ako’y nangungulila.

Puso ko’y lupaypay na.

Diyos ko, ako’y patay na.

Halaw kay Jose Garcia Villa ni Jose F. Lacaba

Advertisements

[Tampok] Sa Sandaang Pulo*

Parang punongkahoy

sa Sandaang Pulo,

nag-uugat, yumayabong

sa bato;

parang bangkang de-motor

sa Katimugang Dagat Tsina,

sumasalunga sa agos—

sana’y ganyan din

itong aking puso

sa bato at dagat ng kasalukuyan.

*Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan

Akda ni Jose F. Lacaba

Job Interview

first time

Dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug.

Parang tinatambol ang puso ko. Ewan kung dahil ba sa first time kong humarap sa isang job interview o dahil dito sa morenong tsinitong lalaki na katabi ko. ‘Di naman kagwapuhan pero hanep sa lakas ng dating. Aplikante ring gaya ko. Okay na sana kaso mukhang ‘di marunong ngumiti. Ahhh, baka naman kinakabahan din.

Kung alam ko lang na may makakasabay akong ganito kagwapo ‘di sana’y naghanda ako nang husto. Teka, naghanda? Muntik na akong matawa. Hindi pa ba paghahandang matatawag itong gayak ko? Naka-three-piece corporate suit lang naman ako. Naka-heels. May hawak na folder kung saan nakaipit ang aking resume at iba pang mga papeles. Pinalantsa ko pa ang buhok ko. Sablay nga lang sa makeup dahil naghulas na. Ang init ba naman sa bus na sinakyan ko paluwas ng Maynila.

Pasimple kong sinulyapan ang morenong tsinitong lalaki na katabi ko. Naka-jeans at polo shirt lamang ito. Nakasapatos at may hawak ding folder. Nakakahiya talaga. Bihis na bihis ako samantalang itong mga katabi ko… More

Elevator

dream

Buti hindi pa kinakagat ng mga langgam ang labi ko. Sobrang tamis kasi ng ngiting kanina pa nakapaskil dito. Ayaw maalis. Parang itinahi.

Itinatanong mo kung bakit? Ganito kasi. Ngumiti siya sa akin kanina. Oo, talaga nga! Hindi rin ako makapaniwala. Ako ba talaga? Tumingin pa ako sa paligid dahil baka hindi naman ako. Pero wala namang ibang tao. Kaya malamang ay ako nga ang nginingitian niya.

Lumakad siya palapit sa akin. At nang tawagin niya ang pangalan ko ay doon ko lamang nakumpirma na ako nga ang nginingitian niya. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Maayos kaya ang buhok ko? Sana pala ay nagpulbos ako kanina. Sana nagpahid ako ng lipstick. Sana dinagdagan ko ang wisik ng pabango. Sana… sana… sana. More

Kolorete

stranger

Makailang ulit kong ikinurap-kurap ang aking mga mata. Tila nahihipnotismo kong tinititigan ang mukha ng isang babaeng nasa aking harapan.

“Ang ganda-ganda naman ng babaeng ‘to,” bulong ko sa aking sarili.

Tunay talaga siyang maganda. Makatawag-pansin. Papasang artista. Bilugan ang kanyang mukha. Makinis. Sa tulong na rin siguro ng ipinahid niyang foundation. Kakulay ng rosas ang kanyang mga pisngi. Terno sa kanyang labi na pinintahan ng matingkad na pulang lipstick. Perpektong nakalinya ang itim niyang kilay at lalong lumutang ang kulay tsokolate niyang mga mata dahil sa kanyang pinalantik na mga pilik. Unat ang kanyang hanggang balikat na buhok. Makintab tulad ng langit na puno ng mga bituin sa gabi. Napansin ko rin ang malalaking perlas na hikaw na nakadapo sa magkabila niyang tainga. Kaparis ng perlas na nakalambitin naman sa kanyang leeg. More

[Tampok] Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Akda ni Amado V. Hernandez

Tila

Tila photo co Kenzo Almazan

kuha ni Kenzo Almazan

Tila mga punong isinasayaw
ng hagupit ng hangin
ang damdamin mo—
minsan magiting,
minsan humahapay,
minsan yumuyuko.

Tila rin panahon sa Pilipinas
ang timpla ng pag-ibig mo—
kung tag-ulan, bumabayo,
kung tag-araw, tuyung-tuyo. #

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture

%d bloggers like this: