Biktima

Hangal.
Patuloy mong nilulunok ang bulok na kalakaran.
Tumatango ka pa rin.
Hambog ka ngunit wala namang gulugod.
Lason pa rin ang diwa mong bulag.
May busal pa rin ang iyong bibig.
Higit ka pang kalunus-lunos sa mga uod.
Sunud-sunuran ka pa rin sa mga aninong
animo anghel ngunit may pangil.
Demonyo.
Ngumingiti ka pa rin
sa mga katwirang batid mo namang baluktot.
Sasakmalin ka rin nila sa likod,
sa sandaling mawalan ka na ng pakinabang.
Dudurugin ka rin nila nang pinung-pino,
pagkaraan ay ibabagsak.
Hahalakhak sila sa iyong mga kahinaan,
hanggang sa bandang huli’y mapagtanto mong
ikaw pala ang biktima.

Advertisements

Mga Naunsiyaming Pangarap ng mga Duwag

Ang lahat ng tao ay maaring mangarap, bakit nga ba hindi? Sabi nga nila, ito na lamang ang libreng bagay dito sa mundo. Ito ang pinakamasarap na paraan ng pagtakas mula sa nakasusukang realidad. Sa ating mga pangarap, walang bagay na imposible kahit na ikaw pa ang maging presidente nitong bansa. Sa ating mga pag-asam natutupad ang ating mga piping hinaing. Pipi sapagkat hindi maibulalas. Pansamantala tayong nakaliligtas sa hirap ng buhay, sa mga pasakit at sa nakasusulasok na amoy ng mabahong sistema. More

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture