Huwag Mo Sanang Ipagkamali ang Pagtatampo Ko sa Galit

Nais kong malaman mo
ang ipinagkaiba
ng taong nagagalit
sa taong nagtatampo.

Hindi nagagalit ang isang taong
matiyaga pa ring naghihintay
sa mga dahilan mo’t paliwanag
sa kung bakit bigla ka na lamang naglaho
tangay ang inyong pag-ibig at mga pangako.

Hindi nagagalit ang isang taong
buong tapang ka pa ring ipinagtatanggol
sa mga taong nagbigay na sa’yo ng hatol
at walang pagod pa ring lumalaban
sa giyerang tila ikaw ang unang sumuko.

Hindi nagagalit ang isang taong
binibilang ang bawat mong sulyap,
umaasa pa rin at nakikiusap
na sana’y malagyan na ng bantas
ang mga nabitin ninyong pangungusap.

Hindi nagagalit ang isang taong
naniniwala pa rin sa’yong kabutihan
at kumakapit pa rin sa alaala ng nakaraan
sa kabila ng nagsusumigaw na katotohanang
naduwag ka kaya mo siya biglang binitawan.

Maniwala ka—
hindi nagagalit ang taong iyon.

Kaya’t huwag ka nang mag-atubili,
yapusin mo siya nang buong higpit,
lunurin mo siya sa nasasabik mong mga halik
hanggang sa ang tampo niya’y malusaw sa init
ng lumalagablab ninyong pag-ibig.

Iyon lamang ang hinihintay niya.
Iyon lang, wala nang iba pa.

Sapagkat nais niyang malaman mo—
hindi siya nagagalit;
siya lamang ay nagtatampo. #

Adobo

happiness

Nakangiti kong pinagmamasdan ang magana niyang pagkain. Paborito niya kasi ang adobong sitaw na inihain ko para sa aming pananghalian. Inani ko iyon mula sa munti naming gulayan sa aming likod-bahay. Nag-aagaw ang alat, tamis at asim. Medyo maanghang. Tuyung-tuyo ang sabaw. Malutong pa ang gulay. Batid kong masarap kahit walang ibang sahog kundi dinikdik na tsitsaron.

Maligaya na kami sa ganito. Nakatira kami sa pawid. Katre ang aming higaan. Kumakain naman ng tatlong beses isang araw. Iyon nga lang, madalas na adobong sitaw lang ang ulam. Ngunit ‘di bale… More

Kung

romance in two sentences

grabbed from Writers Write

Pumihit na ako patalikod nang hindi ko na kayanin pang bilangin ang bawat hakbang niya papalayo sa akin, sa aming pag-ibig, at sa aming mga pangako. Ngunit, ang hindi ko alam at kailanman marahil ay hindi ko na malalaman pa ay nang simulan naman niyang bilangin ang mga hakbang ko papalayo.

If

I turned my back when I couldn’t bear anymore counting his steps away from me, from our love, from our promises. But what I didn’t know and probably will never ever know is when he started counting my steps away from him.

Tayo

 

Tayo

grabbed from Google

Hinawakan mo ang aking kamay. Ayos lang kasi magkaibigan tayo.
Ginulo mo ang buhok ko. Ayos lang kasi magkaibigan naman tayo.
Hinagkan mo ako sa noo bago tayo umuwi. Ayos lang kasi nga magkaibigan tayo.
Pinisil mo ako sa pisngi. Tumawa ka kasi nainis ako. Nilambing mo ako. Ayos na kasi magkaibigan tayo.
Umakbay ka sa akin, kiniliti mo ako sa tagiliran pagkatapos ay tinitigan mo ako. Ayos lang kasi ‘di ba magkaibigan naman tayo?

Hinawakan mo ang aking kamay.
Ginulo mo ang buhok ko.
Hinagkan mo ako sa noo bago tayo umuwi.
Pinisil mo ako sa pisngi. Nainis ako. Nilambing mo ako.
Umakbay ka sa akin, kiniliti mo ako sa tagiliran pagkatapos ay tinitigan mo ako.

Hinawakan ko ang iyong kamay.
Ginulo ko ang buhok mo.
Hinagkan kita sa noo bago tayo umuwi.
Pinisil ko ang iyong pisngi. Nainis ka. Bumawi ako ng paglalambing.
Inakbayan kita, kiniliti sa tagiliran pagkatapos ay tumitig ako sa ‘yo. 

Akala ko palagi tayong ganito kasi nga magkaibigan tayo.

Hanggang sa hinawakan mo ang kanyang kamay.
Ginulo mo ang kanyang buhok.
Hinagkan mo siya sa noo bago kayo umuwi.
Pinisil mo siya sa pisngi pagkaraan ay nilambing.
Inakbayan mo siya, kiniliti sa tagiliran pagkatapos ay tumitig ka sa kanya.

Mas madalas na kayong ganito kaysa sa ating dal’wa kasi nga magkaibigan lang naman tayo.

Hinawakan mo ang aking kamay. Magkaibigan kasi tayo.
Ginulo mo ang buhok ko. Magkaibigan nga kasi tayo.
Hinagkan mo ako sa noo bago tayo umuwi.
Pinisil mo ako sa pisngi. Tumawa ka kasi nainis ako. Nilambing mo ako. Hanggang magkaibigan na lang ba talaga tayo?
Umakbay ka sa akin, kiniliti mo ako sa tagiliran pagkatapos ay tinitigan mo ako. Sana hindi.

 

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture