Dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug.
Parang tinatambol ang puso ko. Ewan kung dahil ba sa first time kong humarap sa isang job interview o dahil dito sa morenong tsinitong lalaki na katabi ko. ‘Di naman kagwapuhan pero hanep sa lakas ng dating. Aplikante ring gaya ko. Okay na sana kaso mukhang ‘di marunong ngumiti. Ahhh, baka naman kinakabahan din.
Kung alam ko lang na may makakasabay akong ganito kagwapo ‘di sana’y naghanda ako nang husto. Teka, naghanda? Muntik na akong matawa. Hindi pa ba paghahandang matatawag itong gayak ko? Naka-three-piece corporate suit lang naman ako. Naka-heels. May hawak na folder kung saan nakaipit ang aking resume at iba pang mga papeles. Pinalantsa ko pa ang buhok ko. Sablay nga lang sa makeup dahil naghulas na. Ang init ba naman sa bus na sinakyan ko paluwas ng Maynila.
Pasimple kong sinulyapan ang morenong tsinitong lalaki na katabi ko. Naka-jeans at polo shirt lamang ito. Nakasapatos at may hawak ding folder. Nakakahiya talaga. Bihis na bihis ako samantalang itong mga katabi ko…
Hmmm, ano kayang pangalan niya? Saan kaya siya nag-aral? Ilan taon na kaya siya? Ano kayang apply niya rito? At ang pinakamahalagang tanong sa lahat… may girlfriend na kaya siya? Talaga naman, girlfriend na niya agad ang pinoproblema ko eh, ni hindi nga niya ako tinitingnan. Naiinitan siguro siya sa suot ko.
“Miss… Hoy, miss,” sabi ng morenong tsinitong lalaki na kanina ko pa pala tinititigan.
“Ha? Ako?” gulat ko pang tanong sa kanya.
Tumango ito. “Kanina ka pa tinatawag. Ikaw na susunod na i-interview-hin.”
“Ay, oo. Oo nga. Thank you,” patalikod na talaga ako nang bigla akong humarap ulit sa kanya. “Ay, ano… Ahm, ano ngang name mo?” diretsong tanong ko sa kanya.
Napangiti siya na nauwi sa bahagyang pagtawa. “Niko,” sabi niya sabay lahad ng kamay. “Ikaw?”
“Lucille,” sagot ko saka inabot ang kamay niya. “Sige, ha.”
“Sige, good luck.”
“Thanks. Good luck din mamaya.”
Tumango siya, ngumiti sa akin.
“Sana makapasa ako sa interview!” sabi ko sa aking sarili. “At sana, siya rin…”
Tatlong taon na pala ang nakalilipas. Nakapasa ako sa job interview na iyon. Nakapasa rin siya. At magka-department pa kami! Kinuha niya ang cellphone number ko. Regular na kaming magka-text at magkausap sa telepono simula noon. Nakakakilig. Masarap sa pakiramdam. Hanggang sa dumalaw na siya sa bahay at nagpakilala sa mga magulang ko. Paminsan-minsan lang noong umpisa hanggang sa dumalas na nang dumalas.
Ano na kami ngayon?
Dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug.
Kinakabahan na naman ako. Lagi na lang tuwing titingnan ko siya. Lagi na lang tuwing titingnan niya rin ako. Para bang noong una ko siyang nakita. Para bang gustung-gusto ko pa rin siyang kilalanin kahit kilalang-kilala ko na siya ngayon. Ang dami-dami ko pa ring gustong matuklasan sa kanya kahit na halos kabisado ko na ang lahat ng mga paborito, ayaw, talento at takot niya.
“Miss… Hoy, miss, nakatitig ka na naman po sa akin,” biro niya.
“Ay, hindi kaya,” pagtanggi ko naman sa pang-aalaska niya sa akin.
Tumawa siya at tatalikod na talaga para bumalik sa kanyang office table nang bigla siyang humarap ulit sa akin.
“Ano ngang name mo?”
“Baliw ka talaga. Lucille!” sagot ko dito para lang matapos na ang kanyang pang-iinis.
“Ahhh, Lucille… Love you!” bulong niya sabay takbo.
Napangiti ako saka bumulong sa hangin.
“Love you, too, Niko…” #
shiemojica
Feb 29, 2016 @ 06:56:39
nakakakilig naman!!!! 😀
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 06:59:48
Hihihi 😀 😀 😀 enebeh, buti pa si Lucille may lovelife… Ahahaha!
LikeLiked by 1 person
shiemojica
Feb 29, 2016 @ 07:03:11
ay hindi ba ikaw si Lucille? akala ko luma-love life ka e
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 07:04:01
Hindi eeeh hahahaha sana nga ako siya 😀
LikeLiked by 1 person
shiemojica
Feb 29, 2016 @ 07:07:23
kinilig pa naman din ako.. hahaha teka sa ABS ka ba nag work??????
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 07:09:08
Dinadaan na lang sa sulat ang kakulangan sa pag-ibig hahahaha 😀 opo, sa ABS po. 😀
LikeLike
shiemojica
Feb 29, 2016 @ 08:00:31
tekaa tekaaaa..pano makapasok dyan?? pasok mo ko hahaha fc lang
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 08:04:53
Hahaha ano yung fc?
LikeLike
shiemojica
Feb 29, 2016 @ 08:07:04
feeling close..sige na pasok mo na ko..malaki ba sweldo dyan?
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 08:08:07
Hahaha sakto lang. Wala akong koneksyones sa HR eh haha! Try mo sa website, dun lang din ako nag-submit ng application eh.
LikeLike
shiemojica
Feb 29, 2016 @ 08:11:14
haha cge2 salamat 😀
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 08:12:02
Go go go 🙂
LikeLiked by 1 person
branenosekai
Feb 29, 2016 @ 08:27:30
Ang ikli lang niya pero kinilig ako :3 Ang cute ni Lucille!
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 08:35:20
Iiiiih, salamat!!! Naiinggit nga ako kay Lucille eh :3
Nga po pala, bakit di ko po maaccess yung blog mo: firipinajin.wordpress.com?
LikeLiked by 1 person
branenosekai
Feb 29, 2016 @ 08:39:21
Hahaha, ako din nainggit. Minsan ang ganda magpantasya e. Hahaha, please wag kang mag-po haha! Oh, branenosekai.wordpress.com yung url ko, hindi ko alam kung bakit yung old pa rin yung nagpapakita
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 08:49:49
Hahaha sinabi mo pa! 🙂 Osige osige no more “po” na, mukhang mas matanda nga ako sayo 🙂 Visit ko kasi blog mo pero ilang beses ko na di ma-access yung luma 🙂 Hmmm try mo kaya baguhin dun sa may Users >> My Profile >> Links
LikeLike
branenosekai
Feb 29, 2016 @ 09:48:57
Thank you 🙂 Maybe? Hahaha. Kakacheck ko lang pero yung gamit ko ngayon yung nakalagay
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 10:03:09
Awww, bakit kaya? Weird din kasi minsan WordPress e
LikeLike
branenosekai
Feb 29, 2016 @ 10:25:37
Hindi ko din alam e Ichecheck ko na lang yung ibang part ng settings 🙂
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 10:30:05
Osige, para rin kapag may magchecheck ng blog mo, maaccess nang diretso. 🙂
LikeLiked by 1 person
branenosekai
Feb 29, 2016 @ 10:32:39
Sige, thank you 😀 Hindi ko alam na ganun pala nangyayari
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 10:34:28
No prob 🙂
LikeLiked by 1 person
branenosekai
Feb 29, 2016 @ 10:39:24
Napalitan ko na! Yesss!
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 10:48:17
Yeeeeeesss!!! 🙂 Kita ko nga. Ayan direcho ko na napupuntahan blog mo! 🙂
LikeLiked by 1 person
branenosekai
Feb 29, 2016 @ 11:00:57
Salamat talaga, kasi kung hindi mo sinabi, hindi ko talaga malalaman 🙂
LikeLike
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 11:04:42
Wala yun 🙂 🙂 🙂
LikeLiked by 1 person
senga
Feb 29, 2016 @ 10:55:55
haha. amazing story by an amazing writer. a million thumbs up 🙂
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Feb 29, 2016 @ 11:04:20
A million thanks to you! 🙂 🙂 🙂
LikeLike
sikseutin
Mar 01, 2016 @ 22:06:21
wahhhh ilang oras lang tulog ko kaya lalo akong kinilig hahaha buti pa si lucille… :))
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Mar 01, 2016 @ 23:32:55
Hihihi kainggit talaga yang bruha na yan, nagkatrabaho na, nagkalovelife pa. Enebe hahaha
LikeLike
justlynne21
Apr 04, 2016 @ 08:06:03
nominated you on sunshine blogger awards.:) visit my blog. thanks.
LikeLiked by 1 person
tagalogdito
Apr 06, 2016 @ 00:57:34
Thank you for nominating my blog! 🙂 Balikan po kita, busy-busyhan lang po. 🙂
LikeLiked by 1 person
unjellanera
Apr 26, 2016 @ 03:14:32
Nakakakilig!! ❤
LikeLike
tagalogdito
Apr 26, 2016 @ 03:16:19
❤ ❤ ❤
LikeLiked by 1 person
recvpiamonteikay27
Mar 17, 2017 @ 09:30:20
waaaahhhh nakakakilig naman yun. kulet ni niko ah! charot charot!
LikeLike
tagalogdito
Mar 17, 2017 @ 09:32:56
True!!! Buti pa sila nakakakilig no hahaha
LikeLiked by 1 person
recvpiamonteikay27
Mar 17, 2017 @ 09:34:09
oo, minsan talaga sa hangin mo na lang masasabi yun..
LikeLike
tagalogdito
Mar 17, 2017 @ 09:35:13
Alam ko yan pakiramdam na yan haha! Pero wag ka mag-alala, kikiligin din tayo 🙂
LikeLike
raspberry
Dec 22, 2017 @ 01:17:07
Nakakakilig 1000x, 🙂 Dapat pala tinanong ko din ung pangalan ng nakatabi ko sa interview dati di sana alam ko na agad na gwapo din pala hanap nya.
LikeLike
Za Ole
Feb 26, 2019 @ 00:55:25
pano mag apply sa abs 😀
LikeLike
Za Ole
Feb 26, 2019 @ 00:56:18
Baka makakita din ako ng Niko
LikeLike