Hangal.
Patuloy mong nilulunok ang bulok na kalakaran.
Tumatango ka pa rin.
Hambog ka ngunit wala namang gulugod.
Lason pa rin ang diwa mong bulag.
May busal pa rin ang iyong bibig.
Higit ka pang kalunus-lunos sa mga uod.
Sunud-sunuran ka pa rin sa mga aninong
animo anghel ngunit may pangil.
Demonyo.
Ngumingiti ka pa rin
sa mga katwirang batid mo namang baluktot.
Sasakmalin ka rin nila sa likod,
sa sandaling mawalan ka na ng pakinabang.
Dudurugin ka rin nila nang pinung-pino,
pagkaraan ay ibabagsak.
Hahalakhak sila sa iyong mga kahinaan,
hanggang sa bandang huli’y mapagtanto mong
ikaw pala ang biktima.
Biktima
10 Dec 2008 Leave a comment
in Poems Tags: Bagong Sibol, Pilipino Star Ngayon, PSN, tabloid, Tagalog, Tula
Mga Naunsiyaming Pangarap ng mga Duwag
10 Jul 2008 4 Comments
in Essays Tags: Bagong Sibol, Pilipino Star Ngayon, PSN, Sanaysay, tabloid, Tagalog
Ang lahat ng tao ay maaring mangarap, bakit nga ba hindi? Sabi nga nila, ito na lamang ang libreng bagay dito sa mundo. Ito ang pinakamasarap na paraan ng pagtakas mula sa nakasusukang realidad. Sa ating mga pangarap, walang bagay na imposible kahit na ikaw pa ang maging presidente nitong bansa. Sa ating mga pag-asam natutupad ang ating mga piping hinaing. Pipi sapagkat hindi maibulalas. Pansamantala tayong nakaliligtas sa hirap ng buhay, sa mga pasakit at sa nakasusulasok na amoy ng mabahong sistema. More
Recent comments: