Ang hilig nating maghabol
at ipagsiksikan ang ating mga sarili
sa mga naggigitgitang bus sa kahabaan ng EDSA.
Parang mga tangang naghihintay
sa hindi umuusad na trapik.
Umaasa na sana’y
may magparaya ng upuan
dahil ang sakit-sakit na,
manhid na manhid na,
wala ng maramdaman
at malapit na malapit ng sumuko
ang ating mga binti.
Paulit-ulit pa ring iniintindi
ang mga kapwa pasaherong
nakasasakit.
Nagtitiis kahit
madalas mapako ang mga pangakong
magbabago na raw ang lagay ng trapik.
Pero hindi bale,
at least ang mga bus sa EDSA
Lunes at Biyernes lang
kung magpahabol, magpahintay at magpaasa.
Lunes, Biyernes
29 Jan 2016 Leave a comment
in Poems, The TD Diaries Tags: Bus, Commute, commuter, EDSA, Heartache, Heartbreak, hugot, hugot pa more, It's more fun in the Philippines, Kwentuhan, Literatura, Love, love hurts, malayang taludturan, Only in the Philippines, Pag-ibig, Personal, poem, rants, Tagalog, Traffic, trapik, tugma, Tula
Isang Araw
29 Dec 2015 Leave a comment
in Essays Tags: Bus, byahe, Commute, commuter, EDSA, Filipinas, It's more fun in the Philippines, Only in the Philippines, Personal, Philippines, pilipinas, rants, Tagalog, Traffic, trapik
Makulimlim ang langit kaya naman laking pasasalamat ko na agad akong nasakay sa bus bago pa man bumuhos ang malakas na ulan. Ayos na rin kahit na tayuan at daig pa namin ang sardinas sa loob.
Mag-iika anim ng hapon. Natapos na naman ang isang buong araw na nakipagtitigan lamang ako sa aking computer. Ang araw na iyon ay kagaya rin kahapon at nu’ng nakaraang araw at nu’ng nakaraan pa. O, buhay empleyado nga naman. More
Recent comments: