Ang Reklamadorang Empleyada at ang Asul na Genie

May isang contractual na empleyada na ang pangalan ay Aurora. Maganda at seksi sana kundi lang saksakan ng reklamadora.

“Late na naman ako!” ani Aurora isang Lunes. “Bwisit kasing bus, hinintuan ang lahat ng kanto!” patuloy niya. Saglit lang nabagabag ang kanyang mga kaopisina dahil sanay na ang mga ito sa pagbubunganga niya tuwing umaga. “Buti pa ang boss ko, pwedeng pumasok sa opisina anumang oras niya gustuhin,” nagnag pa ni Aurora sabay pagpapaikot ng mga mata bago tunguhin ang kanyang cubicle. More

Ika-limampu’t Isang Alay

Art by Rico Rival of Liwayway magazine

Art by Rico Rival of Liwayway magazine

Pawisan si Danilo. Biling-baligtad siya sa kama, umuungol at hinahabol ang kanyang paghinga. Sa kanyang panaginip ay may isang malamyos na tinig ang paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan.

“Danilo… Danilo… mahal ko, nasasabik na akong makita kang muli,” anang tinig ng isang napakagandang babae na nakatayo sa kanyang harapan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may pakiramdam siya na para bang matagal na silang magkakilala. More

Si Sikyo, ang Makasariling Aso

Art by Kitz Tumanda and Wilson Fernandez of Liwayway magazine

Art by Kitz Tumanda and Wilson Fernandez of Liwayway magazine

“Maglalayas na ako, Pareng Popo,” matapang na saad ni Sikyo, isang malaking-malaking asong itim. Bitbit niya sa kanyang balikat ang kanyang maliit na balutan na naglalaman ng ilang pirasong buto. “Tutal naman ay hindi na ako mahal ni Ate Dedang,” dagdag pa niya. Ang Dedang na kanyang binanggit ay ang batang babaeng kanyang amo, sampung taong gulang at sadyang mahiligin sa hayop.

Ngiyaww! Aba, Pareng Sikyo! Alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Napakahirap ng buhay ngayon, baka akala mo. Kung maglalayas ka, sinong magpapakain sa iyo ng libre, sige nga? Ngiyaww!” sagot-tanong naman ni Popo, isang malaking pusa na may tatlong kulay – itim, puti at kahel. Alaga naman ito ng kapitbahay nina Dedang na si Boyong. More

Ang Mahiwagang Salamin

 

Art by Rico Rival of Liwayway magazine

Art by Rico Rival of Liwayway magazine

Maingay sa loob ng classroom. Nagkakagulo ang mga estudyante sapagkat late na ng halos 20 minutes ang kanilang professor para sa subject na Political Science. Sa isa sa apat na sulok ng classroom ay naroroon si Danica, nakayukyok lamang sa kanyang makapal na Biology book, tila abalang-abala sa pagbabasa at hindi alintana ang pagsasaya ng kanyang mga kamag-aral. Nasa ganito siyang ayos nang gambalain siya ng grupo ni Shiela, ang mga classmates niyang naturingan ngang mga magaganda ay saksakan naman ng dami ng insecurities sa katawan. More

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about everything geeky. Name it and we'll annoy you.

ktsmads

point of view.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture