Night Shift

Humigop ng kape, mainit.
Tinitigan ang ensaymadang tigsasais.
Kulang sa matamis
pero pupwede na.
Paborito mo man pala ang ensaymada
ay nakasasawa rin
kung uma-umaga mong kakainin.
Muni-muni pagkatapos
o makatulog kayang muli
upang doon managinip?
Kaysa naman kung ang mata’y dilat.
Hala, anong oras na? Ala una.
Papasok nang muli.
Masungit pa rin ang konduktor.
Masikip pa rin ang EDSA.
Antok na antok na ang ale sa aking tabi.
Siyam din yata ang buhay ng siyam na oras.
Kayhirap patayin, tila may sa pusa.
Huwag ninyo akong gambalain
at ako ay uwing-uwi na.
Nakailang kape kaya ang Maynila?
Bakit hindi napapagod ang mga ilaw?
Nakasisilaw. Buhay na buhay.
Habang ang diwa ko, patay na patay. #

Advertisements

[Tampok] Tuliro

Tuliro, tuliro, tuliro
May biglang kumislap sa mata ko
At nagsumayaw ang mga anghel sa aking likuran
Nang sinulyapan, miminsan naman
Ewan ko nga ba bakit nag-iba
Puso’y kumaba nang nginitian

Kabilis namang mabaliw,
Kaybilis namang mabulagan ang ganda ng buwan,
Kaybilis namang matabunan ng ulap ang daan

Tuliro, tuliro, tuliro
May biglang sumiklot sa dibdib ko
At nagsumigaw bawat himaymay ng aking laman
Nang madampian, sasaglit naman
Ewan ko nga ba kahit tapos na
Labi naroon pa nang hinalikan

Kabilis namang mabaliw,
Kaybilis namang mabulagan ang ganda ng buwan,
Kaybilis namang matabunan ng ulap ang daan

Tuliro
Kabilis naman, kaybilis namang mabaliw

Inawit ni Celeste Legaspi
Musika at titik ni Nonoy Gallardo

[Tampok] Hindi Ko na Marinig

Hindi ko na marinig

ang tinig ng pag-ibig.

Hindi na bumubukas

ang kanyang labi. Salat

sa awitin ang ibon.

Namumutla ang apoy.

Rosas na bagong-pitas

ay naluluoy agad.

Hindi na umiihip

ang hangin. Natahimik

na ang mga kampana.

Ako’y nangungulila.

Puso ko’y lupaypay na.

Diyos ko, ako’y patay na.

Halaw kay Jose Garcia Villa ni Jose F. Lacaba

[Tampok] Sa Sandaang Pulo*

Parang punongkahoy

sa Sandaang Pulo,

nag-uugat, yumayabong

sa bato;

parang bangkang de-motor

sa Katimugang Dagat Tsina,

sumasalunga sa agos—

sana’y ganyan din

itong aking puso

sa bato at dagat ng kasalukuyan.

*Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan

Akda ni Jose F. Lacaba

[Tampok] Paksiw na Ayungin

img_20160724_113218.jpg

(c) tagalogdito

Ganito ang pagkain
ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matitirang tinik),
at ilapit sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
Saka mo
umpisahan ang laman.
Unti-unti lang, dahan-
dahan, at simutin nang
husto–kokonti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.

Akda ni Jose F. Lacaba

tagalogdito’s note: Ito po’y pangat na sapsap pero ang paraan ng pagkai’y gaya rin ng sa paksiw na ayungin. 🙂

Ang Tagapagligtas

Basahin ang kwento sa likod ng obrang ito DITO.

995-lizaflores

“Surfacing” by Liza Flores // grabbed from canvas.ph

Nagwagi ang nasabing kwento sa katatapos lamang na three-sentence story writing contest ng Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS).

Job Interview

first time

Dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug-dug.

Parang tinatambol ang puso ko. Ewan kung dahil ba sa first time kong humarap sa isang job interview o dahil dito sa morenong tsinitong lalaki na katabi ko. ‘Di naman kagwapuhan pero hanep sa lakas ng dating. Aplikante ring gaya ko. Okay na sana kaso mukhang ‘di marunong ngumiti. Ahhh, baka naman kinakabahan din.

Kung alam ko lang na may makakasabay akong ganito kagwapo ‘di sana’y naghanda ako nang husto. Teka, naghanda? Muntik na akong matawa. Hindi pa ba paghahandang matatawag itong gayak ko? Naka-three-piece corporate suit lang naman ako. Naka-heels. May hawak na folder kung saan nakaipit ang aking resume at iba pang mga papeles. Pinalantsa ko pa ang buhok ko. Sablay nga lang sa makeup dahil naghulas na. Ang init ba naman sa bus na sinakyan ko paluwas ng Maynila.

Pasimple kong sinulyapan ang morenong tsinitong lalaki na katabi ko. Naka-jeans at polo shirt lamang ito. Nakasapatos at may hawak ding folder. Nakakahiya talaga. Bihis na bihis ako samantalang itong mga katabi ko… More

Previous Older Entries

AHJUMMAMSHIES

Saving Lives through K-Dramas

Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

geek god review

Annoying reviews and commentaries about anything geeky. Name it and we'll annoy you.

NAY

Wanders. Thoughts. Experiences.

The Jologs Chronicle

Helping you in the journey called -- LIFE

Mausolea Cirri

In here, I shall free all my thoughts locked up inside me.

ItsDlynFandiño

Let me share my thoughts and have my own limelight in this thing called writing. *winks with unicorns and rainbows*

Writer wanna be

Whenever we’re writing we are entering a different world, a world in which we can be free to express everything we want to say, a world where we can be everything we want to be. We just need to tickle our imagination.

Leon's daughter

Fascination is viral, infect with caution

Mariah Miranda

Beyond words, my heart

ladyleemanila

a girl in fringe, pretty in red

The Peps

The story continues ...

Louie Jon A. Sánchez

Poet, Teacher, Television Scholar, Filipino

Spilling Ink

Express the feelings through words, turn imagination into real picture

%d bloggers like this: